Malacanang, hindi makikialam sa insidente ng pagbibitiw ni Enrile bilang Senate President



Created on Tuesday, 22 January 2013

Nananatiling ayaw makialam ng Malacanang sa naganap na insidente sa Senado. 

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, panloob o internal ang usapin ng mga Senador kaya't hindi sila manghihimasok  o makiki-alam.

Independent aniya ang Senado at nananatili ang inter department courtesy. 

Magugunitang nag-privilege speech si Senate President Juan Ponce Enrile at humiling na mabakante ang kaniyang posisyon matapos na maglabas ng sama ng loob sa mga kapwa niya Senador. 

Subalit dahil sa mosyon ni Senador Vicente Sotto III at pinagalawahan ni Senador Panfilo Lacson ay nagkaroon ng botohan kung saan napanatili ni Enrile ang kanyang posisyon. 

Sa botong 11 (kontra), 3 (pabor), at 2 (abstain), napanatili ni Enrile ang kanyang posisyon bilang Senate President. (PTV News)

comments powered by Disqus



Daily Weather