12 senador na nanalo sa 2013 midterm elections, kumpleto na



Created on Sunday, 19 May 2013

Iprinoklama na Comelec sina Cynthia Villar, JV Ejercito at Gringo Honasan bilang mga nanalong senador sa 2013 midterm elections.

 

Matatandaang una nang naiproklama ng NBOC sina Grace Poe, Loren Legarda, Francis "Chiz" Escudero, Alan Peter Cayetano, Nancy Binay, at Sonny Angara noong Huwebes ng gabi gayundin sina Bam Aquino, Koko Pimentel at Antonio Trillanes IV noon namang Biyernes. 

 

Gaya ng mga naunang proklamasyon, wala pa ring inilabas na bilang ng mga boto sa bawat nanalong senador kaya alphabetical pa rin ang pag-aanunsyo ng Comelec.

 

Samantala, matapos hindi makadalo noong Huwebes, dumalo na ngayon si Binay sa seremonya sa PICC at tinanggap ang kaniyang certificate of proclamation. 

 

Matatandaang kinuwestyon ng kampo ni Binay ang proklamasyon ng Comelec dahil sa kawalan umano ng sapat na bilang ng mga boto na na-canvass para suportahan ito.

 

Dumalo na rin si Pimentel matapos hindi dumalo noong Biyernes dahil sa kaparehong reklamo ng UNA. 

 

Dahil dito ay buo na ang 12 nanalong senador sa 2013 midterm elections kung saan siyam ang nagmula sa Team PNoy habang 3 naman mula sa United Nationalist Alliance (UNA).

 
comments powered by Disqus



Daily Weather