Provincial buses, bawal na sa metro simula ngayong Hulyo



Created on Monday, 24 June 2013

Isa sa inaasahang solusyon sa trapiko ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay ang pagkakaroon ng provincial terminal sa labas ng Metro Manila ngayong Hulyo.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, patuloy ang construction ng 1.4-hectare transport facility na matatagpuan sa Uniwide Coastal Mall compound sa Parañaque City na siyang magiging terminal ng mga south bound buses.

Ang north terminal naman na pinangangasiwaan ng Department of Transportation and Communications, ay malapit sa Trinoma mall sa Quezon City. (PTV News)

comments powered by Disqus



Daily Weather