DepEd at DOH, pinakamataas ang alokasyon sa 2014 national budget



Created on Sunday, 14 July 2013

Edukasyon pa rin ang pangunahing prayoridad ng Aquino administration matapos itong muling makakuha ng pinakamalaking alokasyon sa national budget base na rin sa proposed P2.268-trillion national budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Budget Secretary Florencio Abad, nakakuha ng P336.9 billion budget ang Department of Education (DepEd) para sa taong 2014, mas mataas ng 15% kumpara sa inilaang budget ngayong taon.

Saklaw umano nito ang gagastusin sa basic education programs para sa 16,862,916 mag-aaral sa kindergarten, elementarya at sekondarya.

Tumaas din ang pondong inilaan para sa Department of Health (DOH) para sa 2014 kung saan tumaas ito 45.5 percent (P87.1 billion).

P35.3 billion mula sa nasabing pondo ay inilaan para sa Premium Health Subsidy ng 14.7 million indigent families habang P18 billion dito ay gagamitin sa pagpapatayo, rehabilitasyon at pagsasaayos ng mga Specialized Hospitals, Barangay Health Stations at Rural Health Units sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program.

Maging ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nagkaroon ng pagtaas ng budget para sa 2014 kung saan 40 percent ang itinaas ito at ngayon ay aabot na sa P78.9 billion.

Ilalaan ang pondong ito para suportahan ang mga programa ng ahensya gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Kabilang pa sa mga ahensya na nagkaroon ng pagtaas ng alokasyon sa budget ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na may P213.5-billion allocation (40.1%), at Department of Transportation and Communications (DOTC) na may P48.7 billion allocation (31.4%). (PTV News)

comments powered by Disqus



Daily Weather