PCG Bohol PR

Sampung turistang Chinese ang sinaklolohan ng mgq tauhan ng Coast Guard sa Bohol kahapon bandang 5:50 ng hapon nang tumirik ang bangkang kanilang sinasakyan habang naglalayag sa Balicasag Island, Panglao galing ng Sumilon, Bohol.
Bandang 5:20 kahapon nang makatangap ng tawag ang PCG na may bangkang inaalon sa Balicasag. Kaagad namang tumulak ang mga rescue personnel ng PCG at hinanap ang nasabing bangka.
Inabutan ng rescue team malapit sa Balicasag Island ang mga takot na takot na turista at kaagad silang inilipat sa rescue boat.
Mga bandang alas siyete kagabi, nadala sa Tagbilaran port ang mga turista na maayos ang kalagayan ngayon.
Nagpasalamat naman ang mga turista sa mabilis na responde ng PCG.
