12 bayan sa Southern Leyte, kontaminado ang tubig ng E. coli

By Dahlia Orit | Radyo Pilipinas Sogod

Matapos ang pinsala ng Bagyong Odette sa lalawigan ng Southern Leyte, inanunsiyo ng Department of Health (DOH) Region 8 na kontaminado ng Escherichia Coli (E. coli) ang ilang pinagkukunan ng tubig sa lalawigan.

Ang E. coli ay isang bacteria na matatagpuan umano sa dumi ng tao o hayop na maaaring magdulot ng pagtatae, pagsusuka, at pananakit ng tiyan.

Ayon sa ulat ni water, sanitation, and hygiene (WASH) Cluster team leader Engr. Percival De Paz, 22 sa 69 samples na kanilang nakolekta para sa random sampling ay kontaminado ng naturang bacteria.

Ang mga lugar na apektado ay ang bayan ng Sogod, Bontoc, Tomas Oppus, Malitbog, Padre Burgos, Macrohon, Liloan, San Ricardo, Libagon, St. Bernard, Hinundayan, at Anahawan.

Inabisuhan na ang mga kinauukulang local government unit officials at nagbigay na rin ang tanggapan ng logistics tulad ng mga jerry cans o lalagyan ng tubig.

Pinayuhan din ang mga lokal na residente na siguraduhing ligtas ang iniinom na tubig sa pamamagitan ng pagpapakulo nito ng tatlong minuto para mapuksa ang mga mikrobyo.

Hinahangad din ang isang pangmatagalang plano para sa rehabilitasyon at karagdagang pagpapaunlad ng sistema sa patubig.

Batay sa datos ng ahensiya, umabot sa 50 kaso ng acute, watery diarrhea ang naitala sa buong Southern Leyte.

Gayunpaman, ipinaliwanag ni Dr. Marc Steven Capungcol, ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) head, na walang clustering ng mga kaso at puro isolated ang mga ito.

Wala ring na-admit sa mga ospital ngunit naitala ito sa iba’t-ibang Rural Health Units. Karamihan sa mga pasyente ay 1-4 taong gulang na mga bata, 11-20 taong gulang, at ang ilan ay mga senior citizen.

Ang dahilan ng posibleng kontaminasyon ay pinaniniwalaang pinsalang dinala ng nakaraang bagyo sa Southern Leyte.

Nakita umano ng mga health officials ang posibilidad na pagpasok ng lupa sa mga water sources, mga pagtagas sa mga tubo, at iba pa.

Hinihikayat ngayon ang mga residente na laging magsagawa ng proper hygiene sa pag-inom o sa paghahanda ng kanilang pagkain upang maiwasan ang posibleng pagkakasakit. (RPU)  -ag

 

Popular

PBBM reaffirms PH commitment to international law in fostering regional peace

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday cautioned against calling all competing maritime disputes on the South China Sea equal, as he...

PBBM pushes for PH trade pact with India

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday said the government is “ready to act” and will work closely with its Indian business...

PBBM addresses criticisms, assures sufficient funds for gov’t agendas in his podcast

By Dean Aubrey Caratiquet In episode 2, part 3 of the BBM Podcast, which aired on Wednesday, President Ferdinand R. Marcos Jr. refuted criticisms levied...

PH, India eye deeper health collaboration

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday met with Bharatiya Janata Party (BJP) Chair and Indian Health...