By Rey Ferrer | Radyo Pilipinas
Nasa 16 pang 138kV transmission lines ang hindi pa napapagana ng National Grid Corporation of the Philippines sa ilang lalawigan sa Visayas.
Ang mga transmission facilities na ito ayon sa NGCP, ang nagsusuplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Cebu, buong lalawigan ng Bohol, at ilang bahagi ng Leyte.
Bukod pa rito ang dalawa pang (2) 230kV lines na hindi pa rin magagamit.
Base sa huling ulat kagabi ng NGCP, may lima pang 138kV lines at apat na 230kV lines sa Visayas ang restored na. Ito ang nagsisilbi sa mga lalawigan ng Leyte, Samar, at Negros.
Naibalik na rin ang operasyon ng Butuan-Bayugan 69kV line.
Sa bahagi ng Mindanao, hindi pa rin operational ang Placer-Madrid 69kV Line at Placer-Surigao 69kV line pero target na matapos ang restoration activities sa December 25. (Radyo Pilipinas) -rir