Team Pilipinas, tuluy-tuloy ang pagpapasiklab sa SEA Games

By Myris Lee

Labindalawang sports ang lalahukan ng Team Pilipinas ngayong araw para sa pagpapatuloy ng 31st Southeast Asian Games na idinaraos sa Hanoi, Vietnam.

Reresbak ang Pinay woodpushers matapos mabigong makapagbulsa ng kahit anong medalya noong 2019 Manila SEA Games. Kakaharapin nila ang koponan ng bansang Vietnam, Malaysia, at Indonesia para sa Women’s Individual Standard Chess category sa pangunguna ni first Filipina Grandmaster Janelle Frayna.

Kasama ni Frayna sina International Masters Jodilyn Fronda, Bernadette Galas, Shania Mendoza, at Antoinette San Diego.

Kukumpas naman muli si Lois Kay Go na parte ng 2019 gold-medal winning-squad. Makakasangga ni Go ay ang inaabangang 15-year old golfer na si Rianne Malixi at Maria Rafaela Singson kapalit ni Tokyo Olympian Bianca Pagdanganan at Abby Arebalo para sa Round 2 ng Women’s Individual.

Samantala, tuloy pa rin ang laban ng Pinoy tankers na sina Jonathan Sebastian Cook, Miranda Cristina Renner, Jerard Dominic Jacinto, Jaden Christian Olson, Xiandi Chua, at Chloe Isleta matapos maging ineligible ni Fil-Kiwi swimmer Luke Gebbie dahil sa pagpositbo sa COVID-19 ilang araw bago magsimula ang kompetisyon.

Read more: Luke Gebbie out of SEA Games after catching COVID-19

Aarangkada rin ang bansa ngayong araw sa athletics kung saan inaabangan ng lahat ang pagbabalik aksyon ng mga SEA Games veteran na sina Janry Ubas, Ej Obiena, magkapatid na Anise at Ashley Richardson, at ang inaasahang susunod sa yapak ni Obiena na si Hokket Delos Santos.

Never say die naman ang Pinoy 3×3 men’s team mamaya katapat ang Team Singapore at Malaysia matapos maputol ng Indonesia ang kanilang winning streak kahapon. Ang women’s 3×3 naman ay haharap kontra Team Singapore, Indonesia, at Malaysia. 

Sasagwan muli ngayong araw ang Pinoy Rowers matapos tagumpay na makakuha ng tatlong bronze medal kahapon habang nag-aabang naman ang lahat ng ginto sa women’s gymnastics matapos maka-silver at gold medal kahapon ng koponan.

Sasarago rin ngayong araw ang Philippine billiards squad habang hahamapas din ngayon ang Pinoy tennis squad kasama ang star player nito na si Alex Eala.

Babawi naman ang pencak silat team matapos ang disqualification ni Mark James Lacao kahapon. – gb 

 

Popular

BOC secures 12 of Discaya family’s luxury cars

By Brian Campued The Bureau of Customs (BOC) on Tuesday night secured 12 luxury vehicles reportedly owned by contractor couple Pacifico “Curlee” and Cezarah “Sarah”...

Nearly 3K patients benefit from zero billing in Bataan DOH hospital —PBBM

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. lauded the Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC) for ensuring that patients are discharged without paying...

PBBM brings YAKAP Caravan for students, teachers in Aurora

By Brian Campued To safeguard the health and wellness of students, teachers, and non-teaching personnel by providing access to quality medical services, President Ferdinand R....

PBBM leads training, distributes financial assistance to 1-K tourism workers in Aurora

By Dean Aubrey Caratiquet After his earlier engagements at the Turismo Asenso Loan Program’s (TALP) ceremony in Pasay City and the appointment of new DPWH...