Sa pagpapatuloy ng kampanya kontra ilegal na droga nitong Mayo 3, 41 indibidwal ang naaresto sa anti-illegal drug operations ng mga awtoridad sa loob ng tatlong araw.
May 13 indibidwal ang naaresto sa Cebu, pito sa Zamboanga City, tig-apat naman sa Batangas at Bacolod, tatlo sa Davao de Oro, at dalawa sa Bulacan.
May mga nahuli rin sa Caloocan, Parañaque, Pangasinan, Bataan, Laguna, Camarines Sur, Zamboanga Del Norte, at Bukidnon.
May halagang P397,000 ang mga drogang nakumpiska sa mga suspek. – PTV News/AG-jlo
Panoorin ang ulat na ito: