4Ps beneficiaries sa Valenzuela, inumpisahan nang mabakunahan kontra COVID-19

Sinimulan na ng lokal ng pamahalaan ng Valenzuela City ang pagbabakuna sa mga 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) beneficiaries bilang bahagi ng A5 priority group ng vaccination program ng bansa.

Ayon kay Valenzuela City Social Welfare and Development Office Chief Dorothy Evangelista, tinatayang 1,200 na miyembro ng 4Ps ang inaasahang mabakunahan sa lungsod ngayong araw (Hunyo 20).

Aniya, target nilang makapagbakuna ng nasa 800 4Ps members kada araw.

Tinatayang nasa 51,000 katao ang kabuuang bilang ng 4Ps beneficiaries sa Valenzuela City, ngunit ilan sa mga ito ay nabakunahan na dahil kabilang sila sa A2 at A3 priority lists.

Ayon sa huling tala ng Valenzuela City, nasa 129,702 doses na ng bakuna ang naiturok sa mga residente nito noong Hunyo 19.

Nasa 105,034 dito ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna, habang 24,668 naman ang nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19. – Ulat ni Rod Lagusad / CF- jlo

Popular

Philippine typhoon victims remember day Pope Francis brought hope

By Agence France-Presse Fourteen months after the deadliest storm in Philippine history, Pope Francis stood on a rain-swept stage to deliver a message of hope...

PBBM forms National Task Force Kanlaon, inks Phivolcs’ modernization law

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. has created the National Task Force Kanlaon that will oversee and coordinate...

Palace orders probe into China’s alleged interference in midterm polls

By Ruth Abbey Gita-Carlos and Wilnard Bacelonia | Philippine News Agency Malacañang on Friday ordered the immediate and deeper investigation into China’s alleged interference with...

Malacañang slams ‘fake news’ on P20/kg. rice, charter change push

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Friday slammed the proliferation of “fake news” and “disinformation” about the quality of rice that...