Tiniyak ng Department of Health (DOH) ang patuloy na kampanya kontra dengue sa buong bansa sa pamamagitan ng 4S Strategy. Sa katunayan, nagsagawa ng clean-up drive ang mga tauhan ng kagawaran sa pagbisita nila sa San Juan City at itinuro sa mga estudyante kung paano makakaiwas sa dengue.
