84% ng mga barangay sa Davao Oriental, drug cleared na

By Nitz Escarpe | Radyo Pilipinas Davao 

 

Inaprubahan ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing ang drug-cleared status para sa walong barangays sa Davao Oriental sa deliberasyon kamakailan.

Ang regional body ay kinabibilangan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang chair, at mayroong mga kinatawan mula sa  Philippine National Police (PNP), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Health (DOH) bilang mga miyembro. 

Sinabi nito na “ang Davao Oriental sa kasalukuyan ay 84.15% cleared na sa iligal na droga. Kung na clear nila ang 84%, walang duda na ma- clear nila ang lahat ng barangay.”

Ang report mula PDEA ay nagpakita na nasa 154 ng 183 barangays sa probinsiya ay cleared na sa iligal na droga. 

Ang mga bagong cleared barangays ay kinabibilangan ng Taguibo at Lawigan sa City of Mati; Barangay Limot at Lucatan sa bayan ng Tarragona; Barangay Aliwagwag, Aragon, Maglahus, at San Miguel sa bayan ng Cateel.

Sinabi ng PDEA na ginagawa nila ngayon ang fast-tracking ng drug-clearing operation sa bawat barangay at tinututukan nila ang mga surrenderers na kinakailangang sumailalim ng community-based rehabilitation at reformation program. (Radyo Pilipinas)

-ag

 

Popular

First Couple graces ‘Thrilla in Manila’ 2

By Brian Campued Underscoring the administration’s commitment to supporting sports development and inspiring the next generation of Filipino athletes, President Ferdinand R. Marcos Jr. and...

Corruption issues won’t affect PH chairship of ASEAN 2026 —PBBM

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday stressed that local political issues of any member state will not overshadow the regional and...

PH to raise South China Sea Code of Conduct as 2026 ASEAN chair —PBBM

By Brian Campued The Philippines is in the process of putting together the different elements where it believes the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)...

ASEAN, China sign free trade upgrade

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday joined fellow leaders at the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) for the signing of...