By Hajji Kaamiño | Radyo Pilipinas
Umabot na sa 86 na barangay sa lungsod ng Pasay ang nakapagtala ng zero COVID-19 active case.
Sa tala ng City Epidemiology and Surveillance Unit, 386 na lang ang binabantayang kaso ng COVID-19 sa Pasay na mas mababa kumpara sa mahigit 3,000 kaso na naitala ilang linggo na ang nakalipas.
Pinakamataas pa rin ang bilang ng aktibong kaso sa Barangay 183 na may 71, habang sa Barangay 201 naman ay 23.
Ang death toll sa lungsod ay nananatili sa 566 habang ang total recoveries ay pumalo na sa 27,125.
Bukod sa COVID-19 vaccination program, tuloy-tuloy din ang health services ng lokal na pamahalaan tulad ng libreng flu vaccine at pamamahagi ng masustansyang pagkain sa mga nagpopositibo sa virus. (Radyo Pilipinas) -ag