86 na barangay sa Pasay City, COVID-19-free na

By Hajji Kaamiño | Radyo Pilipinas

Umabot na sa 86 na barangay sa lungsod ng Pasay ang nakapagtala ng zero COVID-19 active case.

Sa tala ng City Epidemiology and Surveillance Unit, 386 na lang ang binabantayang kaso ng COVID-19 sa Pasay na mas mababa kumpara sa mahigit 3,000 kaso na naitala ilang linggo na ang nakalipas.

Pinakamataas pa rin ang bilang ng aktibong kaso sa Barangay 183 na may 71, habang sa Barangay 201 naman ay 23.

Ang death toll sa lungsod ay nananatili sa 566 habang ang total recoveries ay pumalo na sa 27,125.

Bukod sa COVID-19 vaccination program, tuloy-tuloy din ang health services ng lokal na pamahalaan tulad ng libreng flu vaccine at pamamahagi ng masustansyang pagkain sa mga nagpopositibo sa virus. (Radyo Pilipinas)  -ag

Popular

Reg’l security, ‘coercive acts’ top PBBM’s Japan visit agenda

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. is expecting regional security, coercive activities and growing Indo-Pacific tensions to dominate...

Palace clarifies stance on Sen. dela Rosa developments, dispels “siege” claims

By Dean Aubrey Caratiquet “Wag nating pabayaan ang may mga masamang balak na paligtasin ang dapat na managot.” As media coverage of last week’s array of...

PBBM appoints Kim Robert de Leon as new Budget Secretary

By Dean Aubrey Caratiquet In a briefing on Monday, Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro announced the appointment of Kim...

PBBM most approved gov’t official —survey

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. emerged as the most approved government official in a recent nationwide survey...