Nakaabang na ang 3-buwang moratorium at 3 milyong pisong security bond para sa mga importer ng recyclable materials sa susunod na buwan. Mangyayari ito sa oras na matapos ang bagong polisiyang ginagawa ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maghihigpit sa pagpasok ng mga basurang idinedeklarang recyclable materials.
