Ginugunita ngayong araw ang ika-141 na kaarawan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon. Inalala ang dating pangulo sa kanyang kabayanihan, integridad at pagiging makatao. Nanguna sa pagdiriwang ang mga pinuno ng Lungsod Quezon na sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto kasama ang ilang kinatawan ng mga ahensya ng gobyerno. Panauhing pandangal naman si Israeli Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz.
