Department of Foreign Affairs (DFA), tiniyak na may ginagawang hakbang ang bansa ukol sa pagdaan ng Chinese warship sa karagatan ng Pilipinas nang walang abiso. Siniguro ni DFA Sec. Teodoro Locsin na hindi magsasawa ang Kagawaran na maghain ng mga diplomatic protest upang matigil ang gawaing ito ng Tsina sa teritoryo ng bansa.
