Dahil sa aktibong pagbabalita ng PTV Cordillera sa mga okasyong nagtataguyod ng kultura at tradisyon ng Igorot sa iba’t ibang bahagi ng mundo, ginawaran ito ng parangal sa 10th Grand Canao. Kasabay nito, tinitiyak ng istasyon ang patuloy na paghahatid ng malawak na pagbabalita ukol sa mga kapatid na katutubo.