Hindi pinagbigyan ng Department of Justice ang hiling ng kampo ni VP Leni Robredo at ng ilan pang respondents na ibasura ang inihaing sedition complaint laban sa kanila ng PNP-CIDG. Ibinasura rin ng DOJ ang hiling ng mga respondent na huwag maging tagapagtanggol ng CIDG ang Office of the Solicitor General.
