Bagyong Odette, tatama sa Cagayan ngayong gabi

QUEZON — Tuloy tuloy ang paalala ng PAGASA sa mga kababayan sa Hilagang Luzon na paghandaan ang Bagyong Odette.

Ang Bagyong Odette ay inaasahang dadaan sa Cagayan ngayong gabi.

Umiiral ngayon ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa Batanes, Cagayan, Babuyan group of Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Pinapayuhan din ng PAGASA  ang mga lokal na pamahalaan sa mga maaapektuhang lalawigan na magsagawa ng mga nararapat na hakbang sa panahong ng bagyo hanggang maaga pa.

Inaasahan na katamtaman hanggang napakalakas na pag-ulan ang mararanasan sa loob ng 350 kilometrong lapad ng bagyo.

Dahil sa mga kabundukan at ilog ang pagbuhos ng ulan ng Bagyong Odette, hindi malayo ang posibilidad na magkaroon ng pagguho ng lupa at biglaang pagbaha.

Namataan ang mata ng bagyo kaninang ika-4 ng hapon sa layong 285 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan batay sa lahat ng nakalap na datos.

Napanatili nito ang kanyang lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras at pagbugso na 65 kilometro bawat oras.

Pa-kanluran pa rin ang direksyong tinatahak ng Bagyong Odette sa bilis na 30 kilometro bawat oras.

Pinapayuhan rin ng PAGASA  ang mga mangingisda at maglalayag na ipagpaliban ang pagpalaot sa hilaga at silangang baybayin ng Hilagang Luzon dahil sa paglaki ng mga alon dala ng papalapit na bagyo.

Ngayong umaga inaasahang makakalabas sa kalupaan ng Hilagang Luzon ang Bagyong Odette. (Lyndon Plantilla/PIA-DRRC)

Popular

PBBM renews call for stronger mechanisms, regulation against fake news

By Dean Aubrey Caratiquet In cognition of rapid advancements in digital technology, President Ferdinand R. Marcos Jr. urged the Department of Information and Communications Technology...

PBBM declares April 22 as nat’l day of mourning for ‘Superstar’ Nora Aunor

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has declared Tuesday as a “Day of National Mourning” over the passing of National Artist for Film...

Pope Francis death from a stroke sets off global tributes, mourning

By Agence France-Presse Pope Francis died of a stroke, the Vatican announced hours after the death on Monday of the 88-year-old reformer who inspired devotion...

PBBM, First Lady join the world in mourning death of Pope Francis

By Brian Campued “The best Pope in my lifetime.” President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday paid tribute to the late Pope Francis as he led...