National Food Policy ilalabas sa Oktubre – Nograles

PR

Inanunsiyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na nakatakdang ilabas ng pamahalaan ang National Food Policy sa Oktubre ngayong taon bilang bahagi ng mga pagsisikap upang mawakasan ang kagutuman sa bansa, kasabay ng paghikayat sa National Movement of Young Legislators (NMYL) na tulungan ang gobyerno sa pangunahing programa nito kontra kahirapan.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga kasapi ng NMYL nitong Martes sa Cebu, sinabi Nograles na kanyang hinihiling sa mga batang opisyal “ang buong suporta para sa isang kagyat at pinakamahalagang hakbangin” para sa nasabing programa.

“Noong nakaraang buwan, inilabas ng Pangulo ang Executive Order 101 na lumilikha sa Inter-Agency Task Force on Zero Hunger. Ang task force ay naatasan upang balangkasin ang national food policy, para matiyak na makakamit ang zero hunger at masupil ang kahirapan,” pahayag ni Nograles na itinalagang Chair ng Task Force.

Ayon sa opisyal ng Palasyo, “doble-kayod ang gobyerno para dito at umaasang mailalabas natin ang National Food Policy bago magtapos ang taon – kasabay sa pagdiriwang natin ng World Food Day ngayong Oktubre.”

Ipinaliwanag din ni Nograles na isa sa mga programa sa ilalim ng Task Force, na kanyang tinaguriang “Task Force Goodbye Gutom,” ay ang Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty program o EPAHP — isang pinagsanib na programa na naglalayong mapataas ang ani sa mga bukirin at mapalaki ang kita ng mga magsasaka, matiyak na sapat ang pagkain at seguridad sa nutrisyon, at mabawasan ang kahirapan sa mga pamayanan sa mga kalungsuran at mga kanayunan.

Isa sa mga layunin ng programa, ayon sa dating mambabatas mula Davao, ay ang maiugnay ang “community-based organizations sa mga institutional feeding programs ng gobyerno para siguruhin na mayroong bibili ng kanilang produkto.”

“Dito ko po kailangan ang tulong at suporta nyo, lalo na sa ating mga vice governor at vice mayor; tulungan nyo po kaming i-link ang ating mga local food suppliers sa mga programa ng gobyerno para sa Goodbye Gutom,” dagdag pa ni Nograles.

“Kasisimula lang po namin, inaayos na po namin ang mga detalye at ang mga trabahong gagawin. Umaasa po akong tutulungan nyo po kami sa pag-implement nito sa inyong mga lugar.”

Popular

PBBM unbothered by dip in ratings, decline due to fake news – Palace

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency On Monday, April 21, Malacañang said President Ferdinand R. Marcos Jr. remains focused on governance despite a...

PBBM decries ‘gangster attitude’ over road rage incidents

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday denounced what he described as a growing culture of aggression...

Palace hails PH humanitarian team for Myanmar quake response

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang commended members of the Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) who returned Sunday evening from a mission...

AFP welcomes ‘West PH Sea’ inclusion on Google Maps

By Brian Campued The inclusion of the West Philippine Sea (WPS) on Google Maps further asserts the country’s internationally recognized sovereign rights over its maritime...