Pahayag ni CHR Commissioner Karen S. Gomez-Dumpit ukol sa lumalaganap ng pambabastos at karahasan laban sa kababaihan lalo na sa social media

Ang Komisyon sa mga Karapatang Pantao (CHR) ay matagal nang kumikilios para matigil ang karahasan laban sa mga kababaihan. Matagal nang mariing tinututulan ng Komisyon ang anumang uri ng victim blaming at mga kaugaliang nagbabalewala at nagsasantabi sa karahasan laban sa kababaihan. Matagal na ring kinokondena ng CHR ang karahasan, lalo na kung ito ay gawa mismo ng mga kawani at opisyal ng gobyerno, at lalo’t higit kung gawa ito ng mga naatasan ng batas na tumugon sa karahasan at magbigay-hustisya sa mga biktima.

Lubhang nakababahala ang paglaganap ng victim blaming sa panahong ito. Nakababahala at nakaaalarma na bagama’t tayo ay may mga batas na nagbabawal sa anumang uri ng diskriminasyon at karahasan laban sa mga kababaihan, maging online o offline, laganap pa rin ito. Tila ipinagmamalaki pa ito ng mga sikat na personalidad o ng mga taong naniniwalang sila ay may kapangyarihang diktahan ang mga babae kung paano umasta, manamit, o iprisenta ang sarili. Ang patuloy na pagdami ng mga komentaryo na sumusuporta sa victim blaming at ang patuloy na pagpo-post ng mga misogynistic remarks kahit labag ito sa batas ay patunay ng pagbabalewala sa karahasang ito at ng kakulangan ng aksyon ng pamahalaan, lalo na sa hanay ng kapulisan at mga cybercrime units.

Hindi katanggap-tanggap ang post ng isang istasyon ng kapulisan na tila nagdidikta sa mga babae kung ano ang kanilang dapat isuot upang maiwasan ang rape. Ito ay victim blaming. Maling-maling ito sapagkat alam nating lahat na ang rape ay nangyayari dahil may mga rapist. Nakababahalang ito nanggagaling sa mga dapat asahan na tumugon sa karahasan laban sa kababaihan. Paano lalapit ang babaeng biktima ng rape at ng iba pang gender-based violence kung ganito mag-isip ang mga pulis?

Dahil sa post na ito, nagkaroon ng mahabang diskusyon sa social media kung saan lumabas ang napakaraming pambabastos, victim blaming, at misogynistic remarks. Maraming “hija,” di lamang si Frankie Pangilinan, ang naging target ng pambabastos. Hindi lamang komentaryo tungkol sa pananamit ang kanilang natanggap, kundi pati banta ng panggagahasa. Dito makikita kung gaano kalaganap ang gender-based violence sa social media. Marami tayong batas na tumutugon sa mga karahasang ito, ngunit madalas ay hindi maganda ang implimentasyon ng mga ito.

Bilang Gender Ombud, pinaaalalahanan ng Komisyon ang lahat na ang pagpo-post ng misogynistic remarks at mga komentaryong naghihikayat ng victim blaming at iba pang uri ng karahasan laban sa kababaihan ay labag sa batas. Hindi ito saklaw ng karapatan ng malayang pagpapahayag. Pinaaalalahanan din ang ating mga law enforcement agencies, lalo na ang mga cybercrime units, na tugunan ang karahasang laganap ngayon sa social media. Ito ay bahagi ng trabaho ng kapulisan na kaugnay sa pagsupil ng karahasan laban sa kababaihan.

Ang Komisyon nanawagan sa cybercrime units ng PNP and NBI para agad na aksyunan ang mga banta ng panggagahasa at lahat ng uri ng karahasan. Kailangang matanggal ang mga social media pages na nagpapalaganap ng karahasan laban sa kababaihan. Karapatan ng mga babae ang maging ligtas sa karahasan, offline o online, mabigyang proteksyon, at matugunan ang kanilang mga reklamo. Ang kawalan ng aksyon at ang pananahimik ng ating mga law enforcement agencies sa isang maling post na mula mismo sa kanilang hanay, at sa laganap ng karahasan sa social media ay lalong nagpapalakas ng loob ng mga nambabastos. Ito ay nagdudulot ng panganib sa mga babae.

Ang Komisyon ay kaisa ng pamahalaan sa layunin nitong maging ligtas ang mga babae sa anumang karahasan. Handa kaming makipagtulungan sa mga iba’t ibang sangay ng gobyerno upang masupil ang mga karahasang ito. Hinihikayat din ang lahat na gamitin ang reporting portal ng CHR para sa gender-based violence (https://www.gbvcovid.report/). Ang pagre-report ay hindi lamang napakahalagang bahagi ng adhikaing masupil at malabanan ang karahasan laban sa kababaihan, maaaring ito ang magsalba ng buhay ng isang biktima.

Popular

On Teachers’ Month, DepEd notes good news for teachers

By Brian Campued As the Philippines joins the global community in honoring the invaluable contributions of teachers in shaping the next generation’s leaders and professionals,...

Phivolcs identifies fault that caused magnitude 6.9 Cebu quake

By Brian Campued State seismologists have located the source of the powerful offshore earthquake that jolted northern Cebu and the rest of Visayas on Sept....

PBBM: Launch of new dairy farm to boost local milk production, supply

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday expressed optimism that the inauguration of the Farm Fresh Milk...

PBBM leads distribution of various aid to Aeta communities in Pampanga

By Brian Campued In celebration of the National Indigenous Peoples Month this October, President Ferdinand R. Marcos Jr. led the turnover of various forms of...