Mula Oktubre hanggang Disyembre, babayaran ng pamahalaan ang araw araw na kita ng mga jeepney at bus driver base sa kilometro na kanilang tatakbuhin.
P11.00 per kilometer para sa mga jeep at P23.10 per kilometer naman para sa mga bus.
Kinakailangan din tumakbo ng 18 hours per day ng isang unit na may dalawang driver.
Kung susumahin ayon sa LTFRB, maaaring umabot sa higit isang libong piso ang maaaring maging ayuda ng mga driver sa isang araw.
Nakatakda na itong simulan bago magkatapusan ng Oktubre.
Para sa mga nais lumahok, mayroon ring online registration ang LTFRB para dito. Magtungo lamang sa ltfrb.pisopay.com.ph o sa www.ltfrb.gov.ph.
(PR)