Pinakabagong public transport policies sa mga lugar na nakapailalim sa GCQ (Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal)

DOTr ADVISORY

22 March 2021

Narito ang mga polisiyang may kinalaman sa pampublikong transportasyon na kailangang tandaan at sundin ng ating mga kababayan alinsunod sa naging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) at sa anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque:

1. Bawal ang pagbiyahe papunta at palabas ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, maliban na lamang kung ikaw ay kabilang sa mga sumusunod na Authorized Persons Outside their Residences (APOR): a) Essential workers (kailangan lamang nilang ipakita ang kanilang ID); b) Health and emergency frontline services personnel; c) Mga opisyal ng gobyerno at iba pang government frontline personnel; d) Mga otorisadong manggagawa na nagbibigay ng humanitarian assistance; e) Mga kailangang bumiyahe para sa medical at humanitarian na pangangailangan; f) Mga tutungo ng paliparan para sa essential travel abroad; g) Mga tatawid sa mga bayan dahil sa trabaho/negosyo o uuwi sa kani-kanilang tirahan; at, h) Returning Overseas Filipinos (ROFs) at mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Ang mga indibidwal na uuwi sa kani-kanilang tirahan mula sa bakasyon ay itinuturing na essential traveler, at papayagang makabiyahe pauwi, basta’t magpakita lamang ng anumang ID o dokumento bilang patunay na siya ay lehitimong nakatira sa lugar na uuwian.

2. Hindi magbabago ang kasalukuyang ipinatutupad na transport capacity sa mga pampublikong transportasyon. Hinihikayat ang publiko na magbisikleta o maglakad.

3. Mahigpit na pinaalalahanan ang mga commuter na sundin ang mga sumusunod na health protocols sa mga pampublikong transportasyon: (1) Magsuot ng face mask at face shield; (2) Iwasan ang pakikipag-usap o pagtawag sa telepono; (3) Bawal kumain sa loob ng pampublikong transportasyon; (4) Kailangan properly ventilated o maayos na nakakadaloy ang hangin sa ating Public Utility Vehicles (PUV); (5) Palagiang mag-disinfect para maiwasan ang hawaan at maprotektahan ang sarili; (6) Bawal magpsakay ng pasahero na may sintomas ng COVID-19; at, (7) Panatilihin ang pagsunod sa appropriate physical distancing.

4. Pinapayuhang manatili lamang sa kani-kanilang mga tahanan ang mga sumusunod: -Mga nasa edad labingwalo (18) pababa at mga senior citizen na higit 65 taong gulang; -Mga indibidwal na may immunodeficiency, may iba pang nararanasang sakit o comorbidity at iba pang health risks; at, -Mga buntis Maliban na lamang kung ang pagbiyahe ay dahil sa mga hindi maiiwasang pagkakataon at dahilan gaya ng pagbili/pagkuha ng mga pangunahing pangangailangan o serbisyo, o kung may kaugnayan sa trabaho sa kani-kanilang industriya o opisina.

5. Sa mga paliparan o airports naman, pahihintulutan pa rin ang pagbiyahe ng mga domestic flights ngunit para lamang sa mga essential travel at mga pasaherong itinuturing na APOR. Hindi papayagan ang anumang leisure/tourist travels palabas at papasok sa mga GCQ areas, batay sa itinakdang petsa ng nasabing kautusan mula March 22 hanggang April 4, 2021.

#DOTrPH

READ MORE: https://www.facebook.com/130406490431829/posts/1978557672283359/?d=n

Popular

‘Bising’ enhances habagat, exits PAR

By Dean Aubrey Caratiquet After briefly re-entering the Philippine Area of Responsibility (PAR) on Sunday night, July 6, the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration...

‘Danas’ becomes a typhoon, may re-enter PAR by Sunday night

By Dean Aubrey Caratiquet The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) issued an advisory at 11:00 a.m. this Sunday, July 6, noting the...

Sharp decline in June 2025 food inflation, proof that gov’t interventions work — DEPDev

By Brian Campued The Marcos administration’s whole-of-government approach to “boost local production, improve logistics, and implement calibrated trade and biosecurity measures” have helped tame food...

TD Bising intensifies; Wind Signal No. 1 up in extreme Northern Luzon

By Brian Campued Tropical Depression Bising slightly intensified over the sea west of extreme Northern Luzon, the state weather bureau said Friday. In its 11:00 a.m....