Pahayag ni Dr. Esperanza Arias, pinuno ng Quezon City Health Department

Taliwas sa kumalat sa social media, hindi po nagkaroon ng singitan sa pila para sa vaccination ng frontliners sa Aguinaldo Elementary School.

May hiwalay na pila para sa registration ng mga medical frontliner, at ang iba pang frontliner gaya ng mga pulis.

Nagkataon na nagkaproblema sa electronic registration system para sa vaccination, kaya naipon ang ibang pulis sa pintuan ng registration area. Para hindi makasagabal sa daanan, minarapat naming papasukin na sila sa loob at maglaan ng isang pwesto para sa kanilang manual registration.

Ito ang nakunang tagpo ng isang nakapila sa linya ng medical frontliners.

Wala po kaming intensyon na bigyan ng preferential treatment o palusutin sa pila ang mga pulis, kundi nais lamang nating mas mapabilis ang registration ng medical frontliners kaya inihiwalay namin ang pila ng mga pulis.

At ang higit na mahalagang punto, bagama’t sila ay men in uniform o pulis, sila po ay mga healthworkers din at nagsisilbi bilang contact tracer, swabbers, nurse na nakaduty sa quarantine facilities, tumutulong sa pag-aalaga ng Covid patients sa isolation facilities, at nakatalaga sa special concern lockdown areas.

Dahil sila ay itinuturing na frontliners at lantad sa panganib ng Covid-19, pasok sila sa kategorya ng A1 ng Vaccination Priority List ng gobyerno.

Personal kong nakausap ang nag-post kanina, at naipaliwanag naman sa kanya kung bakit naantala ang registration ng medical frontliners at inakalang pinasingit ang mga pulis.

Nang makarating din kay Mayor Joy Belmonte ang post ukol sa umano’y singitan, agad niyang pinadala sa lugar si Atty. Rafael Vicente Calinisan, executive officer ng PLEB, para mag-imbestiga. Nakita mismo ni Atty. Calinisan na ang ginawa ng QC Health Department ay naaayon sa proseso kasunod ng naranasang technical problem sa registration at ang kanilang mga hakbang ay alinsunod sa prayoridad ng gobyerno.

IIsa lamang ang aming hangarin, ang maipatupad ng maayos at mabilis ang Vax to Normal Vaccination Plan ng Quezon City, at ito ang maaasahan ng publiko hanggang sa huli. (PR)

Popular

Gov’t to improve job quality, address labor market challenges

By Anna Leah Gonzales | Philippine News Agency The administration of President Ferdinand R. Marcos Jr. will implement the Trabaho Para sa Bayan (TPB) Plan...

PBBM’s ‘Libreng Sakay’ benefits 4.3-M passengers

By Brian Campued Nearly 4.3 million passengers reportedly benefited from free train rides offered by Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Lines...

PBBM orders probe into NAIA bollards after T1 tragedy

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered a separate probe into procurement and technical specifications of the bollards installed at the Ninoy Aquino...

Ignore fake news: Election day still May 12

By Ferdinand Patinio | Philippine News Agency The Commission on Elections (Comelec) on Monday, denied that the May 12 midterm elections have been moved to...