KWF, may P100-K gawad para sa pinakamahusay na tesis or disertasyong isinulat sa wikang Filipino

Alam mo bang maisusulat mo sa wikang Filipino ang iyong tesis/disertasyon sa iyong pinagdadalubhasaang disiplina?

Pinagtibay ng Komisyon sa Wiking Filipino (KWF) ang Kapasiyahan ng Kalupunan ng mga Komisyoner Blg. 18-25, s. 2018 na nagtatakda ng paggamit ng wikang Filipino bilang wika ng mga saliksik sa agham, matematika, at humanidades!

Alam mo bang maaari kang magwagi ng PHP100,000 sa paggamit mo ng wikang Filipino sa iyong tesis/disertasyon?

 

Ukol sa Gawad

Ang Gawad Julian Cruz Balmaseda ay ang pinakamataas na pagkilála na handog ng KWF para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika, agham panlipunan, at iba pang kaugnay na larangan gamit ang wikang Filipino.

Layunin nitong hikayatin at palaganapin, sa pamamagitan ng sistemang mga insentibo, grant, at gawad, ang pagsusulat at publikasyon sa Filipino at ibang mga wika ng Filipinas ng mga akdang orihinal, kabilang ang mga teksbuk at sangguniang materyales sa iba’t ibang disiplina.

May dalawang kategorya ang gawad: (1) tesis at (2) disertasyon. May isang magwawagi lámang sa bawat kategorya. Maaari ring walang tatanghaling magwawagi sa alinmang kategorya.

 

Paano nagsimula ang Gawad

Nagsimula ang gawad noong 2015 at nakapagtala ng anim na nagwagi: Marlon S. Delupio, disertasyon sa kasaysayan (2015); Gilbert Macarandang, disertasyon sa agham pampolitika, at Roman Sarmiento Jr., tesis sa kasaysayan (2016); Lovela Velasco, disertasyon sa panitikan, at Christian Ezekiel Fajardo, tesis sa komunikasyon (2017);  Emmanuel De Leon, disertasyon sa pilosopiya (2018); Wenilyn Fajilan, disertasyon sa pagsasalin (2019); at Regina Starr, tesis sa musika at panitikan (2020).

Makatatanggap ng halagang P100,000 (net) at isang plake ng pagkilála ang magwawagi sa mga kategorya ng naturang gawad. Lahat ng kopya ng mga lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok. Angkin ng KWF ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.

 

Tuntunin sa Paglahok

Bukás ito sa lahat ng mga estudyante, babae man o laláki, sa antas gradwado (masteral at doktorado), maliban sa mga empleyado ng KWF at kanilang mga kaanak.

Ang ilalahok na tesis at/o disertasyon ay naipagtanggol at naipasá sa mga taóng 2019 hanggang 2021.

Kinakailangan itong isulat bílang kahingian sa mga kursong may kaugnayan sa agham, matematika, agham panlipunan, humanidades, at sa ibá pang kaugnay na larangan.

Kailangang orihinal na isinulat at ipinagtanggol sa Filipino ang lahok, orihinal na gawa ng may-akda, hindi pa nailalathala bílang aklat, at hindi rin salin mulâ sa ibang wika.

Marapat na gamítin ang KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (MMP) bílang format sa pagsulat ng talababa, talasanggunian, at ibá pa.

Para sa karagdagang detalye sa paglahok, tumungo sa KWF website.

Ang hulíng araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 15 Oktubre 2021, 5:00 nh. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite.

Hindi patatawarin ang sinumang mahuhúli nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.

Pára sa karagdagang detalye, tumawag o mag-text sa 0928-844-1349, o mag-email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph . (KWF)/JLO

Popular

PBBM’s satisfaction rating tops other PH gov’t offices in latest survey

By Dean Aubrey Caratiquet In the latest nationwide survey conducted by Tangere on 1,500 respondents from May 8 to 9, the Office of the President...

Palace: Int’l, local watchdogs tapped to ensure ‘clean, honest’ polls

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency The government is working with international and local watchdogs to ensure “clean and honest” midterm elections on...

DBM approves allowance increase of teachers, poll workers

By Brian Campued The Department of Budget and Management (DBM) on Friday announced that it has approved a P2,000 across-the-board increase in the compensation of...

24/7 threat monitoring center launched vs. online disinformation

By Raymond Carl Dela Cruz | Philippine News Agency The inter-agency “Task Force KKK (Katotohanan, Katapatan, Katarungan) sa Halalan” launched on Friday its new threat...