IATF-EID, nagpulong para sa rekomendasyon ukol sa bagong quarantine

Kasalukuyang nagaganap ang pagpupulong ng ilang miyembro ng IATF-EID upang talakayin ang quarantine classification na papairalin sa bansa sa susunod na buwan.

Kasama sa mga pag-uusapan ay kung ipagpapatuloy pa ang implementasyon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa mga lugar sa National Capital Region Plus sa kabila ng pagdami ng mga kaso ng covid-19.

 Ang OCTA Research Group ay nananawagan ng karagdagang isang linggo para sa MECQ upang mapababa pa ang mga kaso, mabawasan ang pasyente sa ospital, at mabigyan ng sapat na oras ang mga programa laban sa covid-19.

 Ganito rin ang naunang mungkahi ni Health Secretary Francisco Duque III base sa kaniyang personal na obserbasyon.

 “Ang tala nga ng OCTA, we need 2 to 4 more weeks of MECQ. Pero sa ngayon, we’re arguing for one additional week, tingnan natin. And then kung ‘di talaga bababa, we will argue for another week,” giit ni political analyst Assistant Prof. Ranjit Rye ng University of the Philippines.

 Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, masusing pag-aaralan ng IATF-EID kung ano ang kanilang magiging rekomendasyon bago nila ito ihain kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Miyerkules.

 “Mahirap po talaga ang desisyon, pero magkakaroon po ng mahaba at saka thorough na balitaktakan mamayang hapon at ang tingin ko po ang rekomendasyon will be a reasoned recommendation to the President,” paliwanag ni Roque nitong Martes sa kanyang press briefing.

 Kapasidad ng mga ospital, binabantayan

 Bilang tugon sa sitwasyon, isa sa mga lubos na tinututukan ngayon ng gobyerno ang pagpaparami ng intensive care units (ICU) sa bansa.

 Samantala, tiniyak ni Roque ang pagdating ng mga bagong vaccine supply na Sputnik V mula sa Russia at karagdagang Sinovac na malaki aniyang tulong para sa programa sa pagbabakuna. – Ulat ni Mela Lesmoras/AG-jlo

Popular

PBBM to order probe into PrimeWater services, says Palace

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. will order an investigation into the operations of Villar-owned PrimeWater Infrastructure Corporation...

Bringing gov’t service, info to the grassroots: PTV inaugurates regional center in Marawi City

By Brian Campued Continuing its mandate to amplify the government’s commitment to serving the people by reaching every corner of the nation, the People’s Television...

Ishiba seeks continued PH-Japan unity vs coercion in regional waters

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Visiting Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru on Tuesday called for continued coordination between Japan and the Philippines...

OCTA survey ‘validates’ admin’s efforts — PBBM

By Brian Campued The public’s appreciation of the administration’s efforts to address the Filipino people’s needs inspires President Ferdinand R. Marcos Jr. to continue bringing...