COVID-19 recoveries, mas mataas sa bilang ng bagong kaso ngayong araw

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 10,739 kasong gumaling sa COVID-19 nitong Miyerkules (Abril 28).

 Ayon sa bagong case bulletin ng DOH, nasa 935,695 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit, o 91.7% ng kabuuang kaso na ngayon ay nasa 1,020,495 na.

Bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ika-28 ng Abril, 2021/PTV News

 May 6,895 namang bagong kasong naitala at 115 na karagdagang bilang ng mga pumanaw. Sa kasalukuyan, nasa 17,031 na ang namatay sa COVID-19 sa Pilipinas.

 Samantala, 1,809,801 na ang bilang ng bakunang naiturok sa mga pangunahing benepisyaryo mula sa 3,525,600 na kabuuang supply na mayroon ang Pilipinas.

Bilang ng mga nabakunahang indibidwal sa Pilipinas, ika-28 ng Abril, 2021/PTV News

Sa nasabing bilang, 88% na ang nakatanggap ng first dose at 14% na ang natanggap ang kanilang second dose.

 Pinakamarami pa rin ang nabakunahan sa Metro Manila, na nasa 1,221,870. – PTV News/AG-jlo

 Panoorin ang ulat na ito:

Popular

PBBM: Launch of new dairy farm to boost local milk production, supply

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday expressed optimism that the inauguration of the Farm Fresh Milk...

PBBM leads distribution of various aid to Aeta communities in Pampanga

By Brian Campued In celebration of the National Indigenous Peoples Month this October, President Ferdinand R. Marcos Jr. led the turnover of various forms of...

PBBM vows sustained recovery efforts in Cebu after deadly quake

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday assured Cebuanos that the government will continue to provide assistance in Cebu as it reels...

PBBM to soldiers: Serve the citizenry, protect the homeland

By Dean Aubrey Caratiquet “Panata ito ng katapatan sa tungkulin at paninindigan para sa bayan.” At the oath-taking ceremony of 29 newly promoted generals and flag...