‘Semi-closed border’ sa Davao Region, aprubado na

Inaprubahan na ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) on COVID-19 nitong Huwebes (Abril 29)  ang panukala ng City Government of Davao na isailalim sa “semi-closed border” ang Davao Region.

Ayon kay Alex Roldan, regional director ng Department of the Interior and Local Government XI, may inihahandang ilang mga dokumento upang maipatupad na ito.

“Naaprubahan na ng RIATF. Pero ang resolution, guidelines should be subjected sa comment ng local government units dahil sila naman ang magpapatupad,” pahayag ni Roldan.

Tiwala naman si City Health Office Officer-In-Charge Dr. Ashley Lopez na maipatutupad na ito sa susunod na linggo.

Dahil dito, ang lahat ng land travelers na papasok sa siyudad ay kailangang magpakita ng negative RT-PCR test result na ginawa sa nakalipas na 72 oras. 

Ang “test before travel” ay nauna nang ipinatupad sa mga air passengers na darating sa Davao City simula noong Marso 23. Ito ay para lang sa mga taga-Davao City na nagbakasyon o gumala sa ibang rehiyon na uuwi sa lungsod. Hindi nito saklaw ang mga essential workers.

“The Mayor is trying to establish stricter border control…particularly sa land inbound passengers,” ani Lopez. 

Ang pagpapatupad ng semi-closed border ay itinuturing na preventive measure sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Davao Region. – Ulat ni Regine Lanuza/PTV Davao/AG-jlo

Panoorin ang ulat mula sa PTV Davao:

Popular

Phivolcs identifies fault that caused magnitude 6.9 Cebu quake

By Brian Campued State seismologists have located the source of the powerful offshore earthquake that jolted northern Cebu and the rest of Visayas on Sept....

PBBM: Launch of new dairy farm to boost local milk production, supply

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday expressed optimism that the inauguration of the Farm Fresh Milk...

PBBM leads distribution of various aid to Aeta communities in Pampanga

By Brian Campued In celebration of the National Indigenous Peoples Month this October, President Ferdinand R. Marcos Jr. led the turnover of various forms of...

PBBM vows sustained recovery efforts in Cebu after deadly quake

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday assured Cebuanos that the government will continue to provide assistance in Cebu as it reels...