Mga piling dayuhan, papayagan nang makapasok sa bansa

Muling pinayagan ng IATF-EID nitong Huwebes (Abril 29) ang pagbubukas ng borders ng Pilipinas sa piling mga dayuhan mula Mayo 1.

Ayon sa bago nitong resolusyon, sakop nito ang mga dayuhang dati nang pinayagang makapasok sa bansa. Nagpatupad ng travel ban ang gobyerno nito lamang Marso 22 sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Nakasaad sa bagong resolusyon ang mga sumusunod na kondisyon:

  • May valid at existing visa sa oras ng pagpasok sa Pilipinas, maliban na lamang kung ang pasahero ay kasama sa Balikbayan Program;
  • May pre-booked accommodation na hindi bababa sa 7 araw sa mga pasilidad na pinayagang mag-operate;
  • Ang dayuhan ay sasailalim sa RT-PCR testing sa kanyang ika-anim na araw sa isang quarantine site;
  • Nakasalalay rin ito sa maximum capacity ng inbound passengers sa oras at lugar ng kanilang pagpasok sa bansa.

 Inatasan ang Bureau of Immigration na gumawa ng patakaran ukol sa muling pagpayag sa mga dayuhang pumasok sa bansa.

 Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang travel ban na ipinatupad para sa India ay mananatiling epektibo. – OPS/AG-jlo

Popular

SSS to roll out 3-year pension hike starting September 2025

By Anna Leah Gonzales | Philippine News Agency State-run Social Security System (SSS) said it will implement a Pension Reform Program, which features a structured,...

DOE to talk with DSWD, DILG for Lifeline Rate utilization

By Joann Villanueva | Philippine News Agency The Department of Energy (DOE) is set to discuss with other government agencies the inclusion of more Pantawid...

Zero-billing for basic accommodation in DOH hospitals applicable to everyone —Herbosa

By Brian Campued The “zero balance billing” being implemented in all Department of Health (DOH)-run hospitals across the country is applicable to everyone as long...

DepEd committed to address classroom shortage

By Brian Campued Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara on Wednesday emphasized the importance of Public-Private Partnerships (PPPs) in addressing the shortage of classrooms...