Higit 56-K bakuna kontra COVID-19, nasa Cebu na

Dumating na ngayong araw sa Cebu ang 56,400 doses ng CoronaVac na gawa ng Sinovac Biotech para sa pagbabakuna ng buong Region 7.

Mula sa Mactan Cebu International Airport ay kaagad itong dinala sa cold storage facility ng Department of Health (DOH) Region 7. 

“These will be allocated to various areas dito sa atin, sa three highly urbanized cities,” sabi ni DOH-7 Spokesperson Dr. Mary Jean Loreche.

“There will be allocations accordingly. We will wait for our team to do the allocating so this can be distributed,” dagdag ng doktor.

Nauna nang ipinangako ng DOH-7 na magbibigay ito ng 10,000 doses ng bakuna kontra COVID-19 sa Lungsod ng Cebu. Pansamantala kasing itinigil ang pagbabakuna matapos maubusan ng supply ang lungsod.

Dahil dito, nakiusap si Cebu City Mayor Edgar Labella kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. para sa karagdagang bakuna, dahil marami aniyang senior citizens na gustong maturukan.

Nasa 204,960 doses na ng CoronaVac at AstraZeneca ang naipadala ng national government sa DOH 7. – Ulat ni John Aroa/PTV Cebu/AG-jlo

 

Panoorin ang ulat ni John Aroa:

Popular

Castro on VP Sara’s criticisms of P20/kg rice: No to crab mentality

By Brian Campued Malacañang on Thursday clapped back at Vice President Sara Duterte for the latter’s criticisms on the selling of P20 per kilo rice,...

PBBM declares ‘period of national mourning’ over death of Pope Francis

By Brian Campued As the Philippines joins the global community in mourning the passing of Pope Francis, President Ferdinand R. Marcos Jr. has declared a...

P20-per-kilo rice to eventually be rolled out nationwide — D.A.

By Brian Campued “20 pesos kada kilo na bigas. Iyan ang pangako—at ngayon, sinisimulan na natin itong maisakatuparan sa Visayas region.” Such were the words of...

PH now ‘future-ready’ for digital realm with launch of 1st AI-driven data hub — PBBM

By Brian Campued Advancing the vision of a smarter and more digitally connected “Bagong Pilipinas,” President Ferdinand R. Marcos Jr. led the launch of the...