Pag-alis sa puwesto ni Sereno, makapagtatanggal ng impeachment process, ayon kay Pres. Duterte – Roque

Isinaad  ni Roque sa panayam ni Orly Mercado sa kanyang programa na All Ready nitong Martes na maka-ilang ulit nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinakailangan na matanggal ni Sereno sa puwesto upang matanggal ang proseso ng impeachment.

“Nakapagtataka nga na nagdududa pa itong mga tagapagsalita ni Chief Justice Sereno ‘no. Si Presidente po ilang ulit nang sinabi na kinakailangan talagang matanggal sa puwesto itong si Chief Justice. So ngayon ang pagkakaiba lang po nito ay si Presidente naniniwala na iyon na nga pagtatanggal sa proseso ng impeachment,” ani Roque.

“Well, alam naman po namin nahaharap si Chief Justice sa isang impeachment proceeding ngayon sa Kamara at possible na ito ay magpatuloy hanggang Senado ‘no. Ang sa atin lang po ay ngayong nandiyan na iyang impeachment na iyan ay kinakailangang na ikonsidera ni Chief Justice iyong pagbibitiw dahil sa tingin ko po ultimately yung institusyon ng Korte Suprema ang siyang magkakaroon ng danyos kapag pinatuloy niya iyong paglaban dito sa impeachment complaint na ito,” dagdag pa niya.

Giit pa ni Roque, marapat lang na matuto sa karanasan ni Comelec Chairman  Andres Bautista na kung mahina ang ebidensya at magtatapos rin sa pagalis ng puwesto ay kusa na mismo itong gawin.

“Pero sa akin  ‘wag na pong antayin iyong impeachment, matuto na po tayo sa naging karanasan ni si  Comelec Chairman Andres Bautista, na kung patungo naman sa pag-aalis sa puwesto at kung talaga namang malakas ang ebidensya para sa impeachment ay kusa nang magbitiw,” aniya.

Kung matatandaan, ayon sa unang talumpati ni Roque, ang pagbaba sa puwesto na ito ni Sereno ang magliligtas sa hukom ng higit pang pinsala.

“Dahil ngayon po ang importante – kagaya ng sinabi ko kahapon – parang kailan lang po eh natanggal natin si Chief Justice Corona at parang iyong institusyon mismo eh mawawala pa iyong kanyang estado bilang isang co-equal branch of government kung matapos na hindi pa masyadong matagal na kakalipas ay meron na namang pangalawang Chief Justice na matatanggal dahil nga sa  pamamagitan ng proseso ng impeachment,” dagdag nito. | (Tina Joyce Laceda – PTV)

Popular

PBBM inspects progress of improvement, rehab works in Navotas Fish Port Complex

By Dean Aubrey Caratiquet As demand for seafood continues to rise, the modernization of major facilities that facilitate the handling, storage, and transportation of this...

OCTA: 66% of adult Filipinos back PBBM admin response to WPS dispute

By Ma. Cristina Arayata | Philippine News Agency A recent OCTA Research survey showed that majority (66%) of adult Filipinos support the Marcos administration's response...

Cabinet approves proposed 2027 National Expenditure Program

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency The Cabinet on Friday approved the proposed 2027 National Expenditure Program (NEP) presented by the Department of...

New CabSec Abalos vows to bring gov’t services closer to Filipinos

By Brian Campued Marking his first public appearance after being appointed by President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday, newly installed Cabinet Secretary Benhur Abalos...