Naglunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng isang online support platform para sa mga dumadaranas ng mental health issue dahil sa COVID-19 pandemic.
Inilunsad ng DSWD noong Abril 30 ang “Wireless Mental Health and Psychosocial Support for Individuals and Families Affected by COVID-19 and Other Crisis Situations,” o ang WI-Support sa Metro Manila, Central Visayas, at sa CARAGA Region.
Nag-aalok ito ng konsultasyon at counseling mula sa mga psychiatrists, psychologists, at iba pang mental health institutions. Ito rin ay nagsisilbing hotline para sa mga nangangailangan ng agarang atensyon dahil sa pinag-dadaanang mga mental at psychological issues ngayong pandemya.
Ito ang WI-Support hotlines at online platforms:
Call Hotlines: 0947-482-2864 (Smart), 0916-247-1194 (Globe)
Text Hotline: 0918-912-2813
Email: wisupport@dswd.gov.ph
Website: ekwentomo.dswd.gov.ph
Google Play Store application: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.cudavasol.wisupport
(PTV News)/NGS-jlo