1.5-M doses ng Sinovac COVID-19 vaccine, dumating na

Dumating ngayong araw (Mayo 7) ang karagdagang 1.5 milyong doses ng bakunang CoronaVac ng Sinovac Biotech na binili ng gobyerno.

Ang mga bakuna, lulan ng chartered Flight 5J671 mula Tsina, ay lumapag sa NAIA Terminal 2 bago mag-8:00 n.u.

Ito ang ikapito at pinakamalaking bultong dumating sa bansa, at gagamitin ito para sa 750,000 katao.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mapapabilis ng tuloy-tuloy na pagdating ng mga bakuna ang pagkamit ng herd immunity.

Sinabi naman ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ibibigay ang mga bagong dating na bakuna sa priority areas, kabilang ang Metro Manila na may nakalaang 800,000 doses.

Sa kabuuan, 5,540,600 doses ng bakuna kontra COVID-19 ang dumating na sa bansa, Ang 1,525,600 doses ay donasyon mula sa Tsina at COVAX Facility, at 4,015,000 naman ay binili ng gobyerno.

Kaugnay nito, pinasinayaan ng Pamahalaan ng Pasay ang isang giga vaccination center kung saan isinagawa ang simulation ng pagbabakuna ng mga 500 na senior citizen.

Target ng lokal na pamahalaan ang makapagbakuna rito ng 2,000 tao kada araw, ayon sa suplay ng bakuna.

Samantala, pinag-aaralan na ng IATF-EID ang paggamit ng magkaibang brand ng bakuna sa isang tao, at ang pagpapababa sa edad ng mga babakunahan.  – Ulat ni Kenneth Paciente/AG-jlo

Panoorin ang ulat ni Kenneth Paciente:

 

Popular

PBBM, Malaysian PM tackle economic, security issues faced by ASEAN

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. spoke with Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim over the phone on Friday...

NMC: China’s ‘seizure’ of Sandy Cay ‘clear example of disinformation’

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency The National Maritime Council (NMC) on Saturday slammed China’s disinformation activities by announcing that it has taken...

PCO eyes inter-agency task force to combat fake news

By Christopher Lloyd Caliwan | Philippine News Agency The Presidential Communications Office (PCO) on Friday said it would create an inter-agency task force to combat...

DepEd boosting intervention amid poor literacy report among grads

By Joyce Ann L. Rocamora | Philippine News Agency The Department of Education (DepEd) assured on Thursday that the government has been intensifying interventions in...