DOH, itinanggi ang pagbili ng remdesivir bilang gamot sa COVID-19

Kinuwestiyon nina Deputy Speaker Lito Atienza at AnaKalusugan Partylist Rep. Mike Defensor ang Department of Health (DOH) tungkol sa diumanong pagbili nito ng P1 bilyong halaga ng remdesivir, na mariin namang itinanggi ng ahensya.

Ang remdesivir ay isang investigational drug o gamot na pinag-aaralan kung ito’y nakagagamot ng COVID-19.

Tanong ni Atienza, bakit pa raw bumibili ang DOH ng nasabing gamot gayong hindi raw ito inirerekumenda ng World Health Organization (WHO).

“Gusto kong may makulong diyan…tama na ‘yan, itigil na ‘yang pagnanakaw sa gamot,” ani Atienza.

Sinabi naman ni Defensor, “Under the law, DOH officials may be held liable for a corrupt act if they perform a transaction that is ‘grossly disadvantageous’ to the government.”

Pagtanggi ng DOH

Ayon sa DOH, bagama’t nagplano silang bumili ng nasabing gamot, hindi nila ito ipinagpatuloy.

Idinagdag din ng ahensya na walang certificate of product registration o emergency use authorization para sa remdesivir. Gayunpaman, ilang mga DOH hospitals sa National Capital Region, Central Luzon, at Calabarzon ang kasalukuyang nakakagamit nito sa pamamagitan ng compassionate special permits.

“Ito pong sinasabing pino-procure natin, wala ho tayong ganoon na datos o ginawa ang DOH. We will not do that because we also follow regulatory protocols,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. 

Pahayag ng DOH, nag-pondo ito ng humigit kumulang P3 milyon hanggang P5 milyon upang matugunan ang pangangailan ng mga awtorisadong pasilidad sa oras na kailanganin ng mga ito ang COVID-19 therapeutics. – Ulat ni Daniel M/CF-jlo

Popular

PBBM decries ‘gangster attitude’ over road rage incidents

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday denounced what he described as a growing culture of aggression...

Palace hails PH humanitarian team for Myanmar quake response

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang commended members of the Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) who returned Sunday evening from a mission...

AFP welcomes ‘West PH Sea’ inclusion on Google Maps

By Brian Campued The inclusion of the West Philippine Sea (WPS) on Google Maps further asserts the country’s internationally recognized sovereign rights over its maritime...

PDEA: Gov’t operatives seize P6.9-B illegal drugs in Q1 2025

By Christopher Lloyd Caliwan | Philippine News Agency The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) said Friday law enforcers confiscated P6.9 billion worth of illegal drugs...