NEA administrator, sangkot sa korapsyon ayon sa PACC

By Christine Fabro

Isang high-ranking government official ang sinampahan ng kaso ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) hinggil sa pagkakasangkot umano nito sa korapsyon noong nakaraang 2019 national election.

Si Administrator Edgardo Masongsong ng National Electrification Administration (NEA) ay nahaharap sa kaso ng paggamit ng kaban ng gobyerno upang gastusin sa kampanya ng noo’y tumatakbong party-list group na PHILRECA (Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc.), isa sa 121 electric cooperatives (ECs) na pinangangasiwaan ng NEA.

Kaugnay ng kandidatura ng PHILRECA, naglabas ang ECs ng mga board resolution ukol sa pag-aambag ng mga ito sa pondong nakalaan para sa pangangampanya ng nasabing party-list sa kongreso. 

Si Masongsong, isang undersecretary, ay lumabag diumano sa Republic Act (RA) No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at sa Omnibus Election Code.

“Ito ay naisampa na namin kahapon online, at by next week, hopefully when the [Office of] the Ombudsman already opens, we will submit the hard copy of the case and evidence,” pahayag ni PACC Chairperson Greco Belgica sa Laging Handa public briefing noong Mayo 12.

Ayon kay Belgica, mariing ipinagbabawal ng batas ang paggamit ng pera ng gobyerno o pag-aambag nito sa pondo para sa pangangampanya ng alinmang kandidato o party-list.

“Napatunayan namin na there is a probable cause na pwedeng tingnan ng Ombudsman sa paglilitis. Sila na po ang bahala kung ano ang kanilang mapagdedesisyunan sa aming nilatag na kaso,” ani Belgica.

Una nang nag-sumite ang PACC ng kaso noong nakaraang linggo laban sa ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Saad ni Belgica, ito ay patunay na hindi tumitigil ang PACC sa pagsupil sa mga katiwalian sa gobyerno. 

Noong 2019, matatandaang isinulong ni Belgica ang pagturing sa korapsyon bilang isang ‘heinous crime,’ at dapat daw patawan ng parusang kamatayan ang sinumang sangkot sa mga gawaing ito.  -jlo

Popular

PBBM: Globe-Starlink tie-up to boost digital connectivity in PH

By Brian Campued “The future of the Philippines must be and will be digital—and it must be inclusive.” As part of the administration’s push for inclusive...

‘Mabuhay ang Likhang Filipino!’: PBBM vows continued gov’t support to PH craftsmanship

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday vowed continued government support to Filipino manufacturers and exporters to help them showcase the best...

PBBM assures accountability, support to Binaliw trash slide victims

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has assured that the government is committed to ensuring accountability and assistance to the victims of the...

MICHELIN Guide hails PH among most exciting food destinations in 2026

By Dean Aubrey Caratiquet The country’s rich culinary landscape reflects the ingenuity and resourcefulness of Filipinos in making mouthwatering treats and stomach-filling food that are...