Pagkabuhayan program, alok ng JoyRide sa mga tsuper at konduktor

Bilang tugon sa panawagan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade, nakipagtulungan ang motorcycle taxi service na JoyRide sa ahensya upang mabigyan ng kabuhayan ang mga tsuper at konduktor na nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.

Sa ilalim ng DOTr-JoyRide Pangkabuhayan Program, mahigit 500 ang mabibigyan ng pagkakakitaan bilang JoyRide MC Taxi Bikers at JoyRide Happy Move Delivery Drivers.

“Ang buong pamunuan ng JoyRide ay malugod na makikipagtulungan sa DOTr upang mabigyan ng alternatibong pagkakakitaan ang mga nadisplace nating tsuper at konduktor. Ito ay bahagi na ng serbisyo na alay ng Joyride para maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan lalong lalo na sa gitna ng pandemya,” ayon kay Noli Eala, SVP for Corporate Affairs ng JoyRide.

Ayon kay Secretary Tugade, malaking tulong ang programa sa mga tsuper at konduktor na nais magkaroon ng pagkakakitaan sa gitna ng pandemya.

“Amin pong naririnig ang hinaing ng ating mga kasamahang tsuper at konduktor. Kaya nga ba’t narito at nagkakaisa ang pamahalaan at pribadong sector para magkapit-bisig at sabihing may maaasahan ‘ho kayong tulong sa gitna ng krisis na ito. Ang pakiusap ko lang ‘ho sa mga transport operator, alam kong marami sa atin ang naapektuhan ng pandemya, pero huwag naman sana nating pabayaan ang ating mga empleyado,” pahayag ng Kalihim.

“Ipinapaabot ko rin ang aking pasasalamat sa pamunuan ng JoyRide para sa inisyatibong ito. Malaking bagay ang mabigyan natin ng pag-asa ang ating mga kasamahan sa road transport sector nang sa ganoon ay walang magugutom, walang mamamalimos, at walang maiiwan,” dagdag pa ni Secretary Tugade.

Para sa mga interesadong driver o konduktor na nais maging Joyride MC Taxi Biker at Joyride Happy Move Delivery Driver, kinakailangang lamang gumawa ng Joyride Biker Account at magrehistro gamit ang link na bit.ly/JoyRideRegister. Matapos magparehistro at makakuha ng notipikasyon mula sa JoyRide, magtungo sa Joyride Facility sa JoyRide PH Onboarding Facility, 80 Marcos Highway, Mayamot, Antipolo, Rizal mula Lunes hanggang Sabado, 8 A.M. hanggang 6 P.M., upang sumailalim sa orientation, safety training at skills test.

Kakailanganin din ng aplikante ang mga sumusunod: motorsiklo o scooter na gagamitin sa JoyRide (100-155cc, hindi pwede ang sports bike o dirt bike), professional driver’s license, at photocopy ng OR/CR, valid at original NBI Clearance, Police o Barangay Clearance kung saan nakasaad ang tirahan, Android phone na gagamitin sa JoyRide app (version 6.0 o higit pa), at dalawang (2) valid government IDs.

Kung hindi nakapangalan sa aplikante ang OR/CR ng motorsiklo, ipakita ang alinman sa mga sumusunod: Authorization Letter mula sa may-ari ng motorsiklo, kasama ang clear photocopy ng valid ID ng may-ari na mayroong 3 specimen signatures; Deed of Assumption na galing sa dealer (kung ito ay repossessed unit); notarized Deed of Sale kasama ang isang clear photocopy ng Valid ID ng may-ari na mayroong 3 specimen signature, at orihinal na CR ng motor.

Bukas ang JoyRide / Happy Move Driver sa mga aplikante mula 20 hanggang 55-taong gulang. Para naman sa mga aplikanteng edad 50 hanggang 55, kinakailangang magsumite ng Fit to Work Medical Certificate.

Dagdag pa ni Eala, “bibigyan ng special lane ng JoyRide ang mga tsuper at konduktor na magtutungo sa aming pasilidad upang mas mapablis ang pagproseso ng kanilang aplikasyon.”

Samantala, muli namang binigyang-diin ni Secretary Tugade ang kaniyang panawagan sa road sector na bigyang-pagkakataon ang mga displaced worker na magkaroon ng pagkakakitaan.

“Muli ko rin ‘hong ipinag-utos sa LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board) at LTO (Land Transportation Office) na repasuhin at palakasin pa ang kanilang tugon at iba’t ibang programa lalo’t higit sa mga nawalan ng trabaho. Inuulit ko ‘ho, sa mga kasamahan nating drayber at operator, nandidiyan ‘ho ang ating Service Contracting Program, na kung saan, maari ‘ho kayong mag-apply para magkaroon ng regular na sahod at insentibo. Huwag po kayong magdalawang-isip na lumapit sa inyong Kagawaran,” ayon kay Secretary Tugade. (PR)

Popular

Purchase of US fighter jets vital to boost PH defense – ES Bersamin

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Executive Secretary Lucas Bersamin on Thursday, April 3, said the planned procurement of fighter jets from the...

Recto says use of PhilHealth funds to spare PH from new debts

By Benjamin Pulta | Philippine News Agency Finance Secretary Ralph Recto on Wednesday defended the transfer of idle and unused Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth)...

Russian vlogger harassing Filipinos nabbed

By Christopher Lloyd Caliwan | Philippine News Agency Authorities arrested a Russian-American vlogger who was accused of harassing Filipinos apparently for social media content. Philippine National...

Myanmar quake victim rescued after 5 days as aid calls grow

By Agence France-Presse Rescuers on Wednesday, April 2, pulled a man alive from the rubble five days after Myanmar's devastating earthquake, as calls grew for...