Palasyo: ‘Di sinisisi ni PRRD ang BARMM sa kaguluhan sa rehiyon

Nilinaw ng Malacañang na hindi sinisisi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamunuan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa napaulat na karahasan sa rehiyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nais lang ng Pangulo na maging maayos ang kalagayan doon.

“Unang-una, hindi po niya sinisi ang BARMM. Alam naman po natin na ang nagkakalat ng lagim diyan sa BARMM ay mga bandido, BIFF ‘no, splinter groups of BARMM,” sabi ni Roque sa kanyang briefing nitong Lunes (Mayo 17).

“It’s an expression of exasperation, at the same time a warning that the state will not tolerate itong mga acts of violence na ito. Pangalawa, he continues to be supportive of the initiative for the transition,” dagdag niya.

Bumisita nitong nakaraang lingo ang Pangulo sa BARMM at nanawagan sa mga opisyales ng rehiyon na kontrolin na ang sitwasyon, para hindi ito humantong sa isang “all-out offensive.” – Ulat ni Mela Lesmoras/AG-jlo

Popular

PH gets support from Cambodia, Thailand in 2026 ASEAN chairship

By Brian Campued Cambodia and Thailand have conveyed their support for the Philippines’ upcoming chairship of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) next year. During...

PBBM cites efforts to build ‘future-ready’ PH

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency The Philippines will be “future-ready” through fair taxation, relief for workers and measures to ease the cost...

PBBM champions early childhood education

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday distributed 35 school bags and a Starlink unit in La Paz Child Development Center (CDC)...

PBBM welcomes expansion of Bulacan cold storage facility

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. touted the expansion of the Royale Cold Storage (RCS) facility in Bulacan as a welcome development in...