Mga magsasaka, tutol sa pagbaba ng taripa sa imported rice

Tinutulan ng Federation of Free Farmers Cooperatives, Inc. (FFF) ang Executive Order (EO) No. 135 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbababa ng taripa sa bigas mula sa ibang bansa, kahit hindi kabilang ang mga ito sa Association of Southeast Asian Nations.

Ayon kay FFF National Business Manager Raul Montemayor, “Isang piso lang po na pagbaba ng presyo ng palay, the farmers will be losing ₱19 billion. Ang laki po ng epekto niyan.”

Sabi ng Department of Agriculture (DA), tumataas kasi ang presyo ng bigas mula sa Timog-Silangang Asya.

Idudulog ng mga magsasaka ang usapin ng taripa sa Senado, tulad ng pag-apela sa taripa sa baboy na kamakailan lang din ay nagkaroon ng pagbabago.

Kaalinsabay ng pagbabago ng taripa ng imported rice, umapela ang mga mamimili na babaan na rin ang suggested retail price (SRP) ng bigas.

Base sa monitoring ng DA, naglalaro sa ₱38 hanggang ₱50 ang kada kilo ng local rice, at ₱44 hanggang ₱52 naman ang presyo kada kilo ng imported rice.

Giniit ng DA na hindi kailangang magbago ang SRP ng bigas dahil panakip-butas ang mababang taripa ng bigas sa pagtaas ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Sa pagpirma ng Pangulo sa EO 135, lahat ng imported rice na pasok sa in-quota ay ginawang 35% na lamang ang taripa mula sa dating 40%, na limitado lamang sa mga bigas na inaangkat mula sa ibang ASEAN countries.

Giit ni DA Secretary William Dar, “There have been global rice prices, so we need to really not depend on ASEAN, but to diversify our market sources.”

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, “Sinisiguro natin na sapat ang magiging suplay ng bigas dahil sa lahat ng ating kinakain, we can afford na magkulang sa ilan pero hindi pwede sa bigas.”

“Ito po’y just to ensure na itong adverse consequences ng climate change ay hindi magdudulot ng kakulangan sa suplay ng bigas,” dagdag niya. – Ulat ni Cleizl Pardilla / (CF)-jlo

Popular

PBBM champions early childhood education

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday distributed 35 school bags and a Starlink unit in La Paz Child Development Center (CDC)...

PBBM welcomes expansion of Bulacan cold storage facility

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. touted the expansion of the Royale Cold Storage (RCS) facility in Bulacan as a welcome development in...

Palace: PBBM wants to boost defense to protect PH territory

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. is pushing for stronger defense to protect Philippine territory, particularly in the...

PBBM to LGUs: Finish classroom construction, avoid substandard work

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday urged the local government units (LGUs) to ensure the timely...