Priority group A4 at A5, posibleng mabakunahan sa Hunyo

Posibleng mababakunahan na ang mga indibidwal na nabibilang sa priority list A4 at A5, lalo na sa mga lugar na may kritikal na kaso ng COVID-19 tulad ng National Capital Region, Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas, Rizal, Metro Cebu, at Metro Davao.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang public briefing noong Mayo 17, “Inuna natin ang A1, A2, at A3, at plano natin na hanggang katapusan ng Mayo ay A1, A2, at A3. Pero pagdating ng 3rd quarter beginning June or possibly a bit earlier ay hanggang A4 at A5 ay mababakunahan na nang sabay-sabay.”

Base naman sa pakikipagpulong ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga opisyal ng ehekutibo at pinuno mula sa mga pribadong sektor noong Mayo 16, inaalam nito ang mga pamamaraan upang mapabilis ang pag-rollout ng mga bakuna sa bansa.

Kabilang sa mga nasa A4 priority group ang mga frontliner at essential workers, at nasa A5 category naman ang mga indigent population.

Giit ng senador, dapat mauna ang mga ipinangako ng Pangulo na babakunahan ang mga “isang kahig-isang tuka” na lumalabas ng bahay para buhayin ang kanilang pamilya gaya ng mga nasa A5 category.

Ayon pa sa senador, kapag nagsimula na ang pagbabakuna sa A4 at A5 category ay maari nang magkaroon ng express lanes sa mga natitira pang A1 hanggang A3 na hindi pa rin nababakunahan, hanggang sa maabot ng bansa ang herd immunity.

– (PTV News) / CF-jlo

Popular

DFA: PBBM to champion PH interests at 47th ASEAN Summit in Kuala Lumpur

By Dean Aubrey Caratiquet In a pre-departure briefing on Friday, Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Angelica Escalona announced the attendance of President Ferdinand R....

Teodoro warned military takeover would bring consequences similar to Myanmar

By Patrick de Jesus | PTV News Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. warned that a military takeover would bring more consequences for the Philippines. This comes...

PBBM vows continued 4PH expansion

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday reiterated his administration’s commitment to provide every Filipino family with a safe, decent, and affordable...

Palace questions credibility of citizen complaint submitted to ICI

By Dean Aubrey Caratiquet On the heels of the Independent Commission for Infrastructure’s (ICI) receipt of a letter of sentiment from a private citizen on...