Isinapubliko na ni People’s Champ Manny Pacquiao noong Sabado (Mayo 22) kung sino ang susunod niyang makakaharap sa boxing ring.
Sa isang Instagram post, inanunsyo ng senador na muli syang magbabalik sa boxing ring sa Las Vegas, Nevada sa Amerika sa Agosto 21 ngayong taon.
View this post on Instagram
Kanyang kakalabanin ang Unified World Boxing at International Boxing Federation Welterweight champion na si Errol Spence, Jr.
Huling nakipagtunggali ang People’s Champ noong taong 2019 kung saan tinalo niya ang Amerikanong boksingero na si Keith Thurman para sa World Boxing Association Super Welterweight na titulo.
Tinaguriang natatanging “octuple champion” si Pacquiao sa larangan ng boksing dahil sa nakamit niyang walong major world titles mula sa magkakaibang weight classes. – (PTV News)/CF-rir