Brand ng bakuna para sa OFWs, tinitiyak na makasusunod sa specific requirement ng ibang bansa

Umapela si Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go na dapat maglaan ng tiyak na bakuna na kayang matugunan ang mga specific requirement ng mga bansang pupuntahan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Kinumpirma ng senador na umapela siya sa Pangulong Rodrigo Duterte, vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr., at sa iba pang namumuno ng National Vaccination Program na ikonsidera ang pangangailangan ng mga OFW, pati ng mga seafarers, pagdating sa brand ng bakuna na tanggap sa lugar na pagtatrabahuhan nila.

Aniya, kabilang naman ang mga ito sa A4 priority group ng mga babakunahan.

Ipinaliwanag ni Go na ilan sa mga OFW ang nag-aalangan pa rin na magpabakuna dahil naghahanap ng tiyak na brand ng bakuna ang ilang mga bansa bagama’t napatunayan namang ligtas ang lahat ng mga bakunang mayroon sa bansa.

“Hindi natin sila makukumbinsing magpabakuna ngayon kung takot silang hindi naman tanggap sa pupuntahan nilang bansa ang brand na ituturok sa kanila dito sa Pilipinas,” saad ng senador.

Dagdag pa nito, “Inaasahan naman nating may humigit-kumulang na 10 milyong bakuna na darating ngayong Hunyo. Kaya kung ano ‘yung mga brand na angkop sa kondisyon o pangangailangan ng bawat sektor, tulad ng OFWs, ay dapat ma-allocate na nang maayos.”

Nanawagan din ang senador sa mga OFW ng pagsuporta sa national vaccine rollout dahil may pagtiyak naman na kinokonsidera ng pamahalaan ang kanilang mga saloobin. – Ulat ni Eunice Samonte / CF-rir

Popular

PBBM hails dedication to public service of 2025 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos awardees

By Dean Aubrey Caratiquet “They remind us that integrity and excellence must be at the heart of the work that we all do.” Amid the various...

Palace supports calls for ICI empowerment

By Dean Aubrey Caratiquet “Nararamdaman po ng Pangulo at ng administrasyon ang nararamdaman ng mga businessman kaya po patuloy ang ginagawang pag-iimbestiga, at patuloy ang...

PBBM encourages Filipinos to remain prepared for disasters

By Dean Aubrey Caratiquet “Higit sa pagbangon o pagresponde, mas mahalaga ang maging handa.” President Ferdinand R. Marcos Jr. underscored the importance of disaster preparedness and...

DHSUD expedites 2nd ‘Bayanihan Village’ for Cebu quake victims

By Brian Campued Consistent with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to provide safer and more comfortable refuge for the residents displaced by...