EXPLAINER: Kahalagahan ng pag-kumpleto ng COVID-19 vaccine doses

By Christine Fabro and Pearl Anne Gumapos

Mula nang ilunsad ng pamahalaan ang programang naglalayon na mabakunahan ang mga Pilipino upang mawakasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa, nasa 5,180,721 na ang bilang ng mga naturukan na laban sa sakit na ito.

Tinatayang 1.1% ito ng kabuuang populasyon ng Pilipinas, ayon sa pinakahuling datos na nakalap ng Reuters noong Hunyo 4.

Mariing iginigiit ng mga eksperto na ang lahat ng mga bakunang nilikha para labanan ang sakit na COVID-19 ay ligtas at nagdaan sa mga pagsisiyasat at pagsusuri.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya, tumaas na ang bilang ng mga taong nais magpabakuna kung ikukumpara sa isinagawang survey noong nakaraang taon.

Aniya, ang masigasig na pangangampanya ng pambansa at lokal na pamahalaan ang naging daan upang mahikayat ang mga Pilipino na iligtas ang kanilang mga sarili, pamilya, at komunidad laban sa banta ng COVID-19.

Samantala, kalahating porsyento (51%) ng mga Pilipino ang kumpyansa sa mga programa ng pamahalaan ukol sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Nasa 34% ng mga respondents ang tiwala sa isinasagawang mass vaccination ng gobyerno, habang 31% ang hindi sigurado, at 17% ang hindi kumpiyansa sa mga programang kaugnay nito. 

Kahalagahan ng second dose ng COVID-19 vaccines

Ayon sa pinakahuling tala, tanging 1,206,371 o nasa 9% lamang ng mga nakatanggap ng first dose ang bumalik para mabakunahan ng second dose ng bakuna kontra COVID-19.

Pahayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isa sa mga dahilan ng hindi pagpapaturok ng second dose ay dahil ang iba raw ay nagkasakit o di kaya’y nakasalamuha ng taong may COVID-19 kaya’t kinailangan nilang mag-quarantine.

“Kung matatandaan ninyo… noong time na kasagsagan ng mga kaso dito sa NCR Plus Bubble, ito rin ‘yung time na talagang ‘yung allocation ng vaccines ay mataas dito sa NCR Plus Bubble,” aniya.

“And during that time, may mga kababayan tayong na-expose, nagkasakit. So come their second scheduled time, na-defer sila because of sickness or illness because of being exposed,” dagdag nito.

Basahin: DOH expects more fully vaccinated individuals, says only 9% missed scheduled 2nd jab

Saad ng mga eksperto, malaki ang epekto ng pangalawang dose upang tuwirang maging epektibo ang isang bakuna.

Para sa COVID-19 vaccines, ang first dose ay nag-uumpisa ng immunological response at ang pangalawang dose naman ang nagpapalawig ng immunological response ng ating katawan.

Halimbawa, ang Pfizer-BioNTech vaccine ay natagpuang 52% na epektibo pagkatapos ng unang dose at tumaas sa 95% pagkatapos ng pangalawang dose.

Ibig sabihin nito ay ang pagtangggap lamang ng isa sa dalawang dose ay maaaring magpahina ng resistensya laban sa COVID-19.

Bukod dito, ang unang dose ng bakuna ay hindi gumagawa ng proteksyon laban sa sakit, kundi inihahanda lamang ang immune system upang labanan ang COVID-19.

Ang pangalawang dose ay ang nagpapagana sa immune system upang gumawa ng antibodies na mag-re-resulta sa isang cell-mediated immunity.

Pinasisigla din nito ang mga cell memory upang maalala ng katawan ang bakuna para sa pang-matagalan na epekto sa katawan at upang makatulong ito sa paggawa ng antibodies sakaling magkarooon ng reinfection.

Basahin: Get second dose for ‘full protection,’ DOH reiterates

Sa isang pahayag na inilabas ng Department of Health, hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na magpabakuna sa lalong madaling panahon.

“I invite all our kababayans to be vaccinated at the earliest possible opportunity because this is the most – if not the only – effective way to defeat the COVID-19 pandemic,” saad niya.

Aniya, ang pagbabakuna ay hindi lamang para sa kaligtasan ng sarili, kundi pati ng komunidad.

Dagdag pa ng Pangulo, ang pakikilahok ng bawat Pilipino sa kampanyang “Resbakuna: Kasangga ng BIDA” ay susi sa muling pagbubukas ng ekonomiya at muling pagbawi ng normal na buhay.

“To the Filipino people, let me assure you that the government will continue to do its best to protect you until we overcome this health crisis together. Let us heal as one nation. Kapwa Pilipino, magpabakuna na po tayo,” ani Duterte. -rir

Popular

PBBM appoints Frasco as adviser on sustainable communities

By Dean Aubrey Caratiquet Building upon her 4-year tenure as the Department of Tourism’s (DOT) top official, former DOT Secretary Christina Frasco steps into a...

PBBM: Oil excise tax suspension to depend on oil trends

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday said the possible suspension of excise tax on oil products...

PBBM seeks collab with women legislators to promote gender equality

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday sought closer cooperation with female lawmakers to advance women’s rights...

Palace calls on leaders to prioritize Filipinos’ welfare amid Middle East crisis

By Dean Aubrey Caratiquet Echoing earlier calls to avoid fear-mongering amidst rising oil prices arising from the ongoing tensions in the Middle East, Malacañang called...