Kapitan ng barangay at homeowners association president sa Brgy. Matandang Balara, iimbestigahan

Iniimbestigahan na ng Quezon City government ang kapitan ng barangay at isang presidente ng homeowners association sa Brgy. Matandang Balara dahil sa isang pagtitipon sa lugar noong nakaraang buwan.

Ayon sa otoridad, ang nasabing pagtitipon at inuman ay nagresulta sa pagkalat ng COVID-19 sa 72 katao sa lugar.

Ang imbestigasyon kay Brgy. Captain Allan Franza at Homeowners Association President Don Brabante ay dahil umano sa pagkabigong pagbawalan o pagsumbong sa nasabing pagtitipon.

“The spread could’ve been prevented but we see that some people, including persons in authority, have started to become lax in the enforcement and practice of minimum health protocols,” ani Mayor Joy Belmonte sa isang pahayag noong Hunyo 6.  

Naglabas na ang City Legal Office ng show cause order kay Franza, habang nagsampa naman sila ng reklamo kay Brabante dahil sa paglabag umano nito sa health protocols.  

Sinabi ni Franza na handa siyang humarap sa imbestigasyon, pero nanindigan itong ginawa nila ang kanilang tungkulin. Aniya, pinagbawalan nila ang ikakasal sa hiling nitong magdaos ng reception. 

Sumagot na rin siya sa show cause order at isinaad na nagsampa na sila ng kaso laban sa ikinasal dahil nagpumilit sila sa kanilang pagtitipon.  

“Nai-file na po namin sa City Prosecutor’s Office, hinihintay na lang po namin ang kanilang tugon tungkol dun sa isinampa ng barangay na reklamo,” ani Franza.

Sinubukan naman ng PTV News na kunin ang pahayag ni Brabante, pero wala pa siyang tugon. – Ulat ni Allan Francisco/AG-rir

Panoorin ang buong ulat:

Popular

Malacañang urges caution on calls to expel Chinese envoy

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday acknowledged calls for action against Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan over his...

Malacañang: Armed group sheltering Sen. dela Rosa a threat to nat’l security

By Dean Aubrey Caratiquet After several months of manhunt operations, authorities said that they have already identified the whereabouts of Senator Ronald “Bato” dela Rosa,...

Malacañang presses probe into reported Atong Ang escape

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday called for an investigation into possible lapses in law enforcement after Interior Secretary Jonvic...

PBBM, Japan reaffirm bilateral ties, regional cooperation

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. and Japanese Prime Minister Sanae Takaichi on Tuesday reaffirmed their commitment to...