Nanawagan na si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko hinggil sa wastong pagtatapon ng basura, lalo na ang mga medical waste.
Sa kaniyang public address nitong Hunyo 7, ipinunto niyang nakakaalarma ang pagdami ng basura ngayong may pandemya. Ang pahayag ng Pangulo ay kasabay ng pagdiriwang ng World Environment Day.
“The COVID-19 crisis has also given rise to plastic waste and pandemic. The popularity of delivery of services has produced considerable solid waste such as the delivery of packaging of both food and non-food products,” ani Duterte.
“Also, a serious concern is the proper disposal of medical waste. There have been several reports of poor disposal,” dagdag niya.
Hiniling ng Pangulo na pangasiwaan nang maayos ng publiko ang kanilang mga basura, lalo na ang mga itinapong maaaring makasama sa kalusugan.
“Balutin ninyo ‘yang mga ano ninyo, mga medisina ‘yong naturok na at saka ‘yong mga syringe, balutin ninyo, ibigay ninyo sa basurero. Alam nila kung ano na ang gawin nila,” abiso niya. – Ulat ni Mela Lesmoras/AG-rir