Concepcion: Gobyerno, hindi na hihingi ng donasyong bakuna mula sa pribadong sektor

Kinumpirma ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at GO Negosyo Founder Joey Concepcion na hindi na hihingi ng donasyong bakuna ang gobyerno sa pribadong sektor.

Sa isang panayam ng ABS-CBN, sinabi ni Concepcion na nakausap na niya si vaccine czar Carlito Galvez Jr. at tiniyak nitong sasapat ang suplay ng bakuna ng pamahalaan. Iginiit aniya ni Galvez na marami ng bakunang darating sa bansa sa buwang ito at sa mga susunod pa na buwan.

Matatandaang isang tripartite agreement ang nilagdaan noon ng pribadong sector, mga lokal na pamahalaan, at national government para sa 17 milyong doses ng AstraZeneca vaccines.

Gayunpaman, nakahanda pa ring suportahan ng pribadong sektor ang vaccination program ng pamahalaan sa NCR Plus 8.  (PTV News)/NGS-rir

Popular

Gov’t to improve job quality, address labor market challenges

By Anna Leah Gonzales | Philippine News Agency The administration of President Ferdinand R. Marcos Jr. will implement the Trabaho Para sa Bayan (TPB) Plan...

PBBM’s ‘Libreng Sakay’ benefits 4.3-M passengers

By Brian Campued Nearly 4.3 million passengers reportedly benefited from free train rides offered by Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Lines...

PBBM orders probe into NAIA bollards after T1 tragedy

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered a separate probe into procurement and technical specifications of the bollards installed at the Ninoy Aquino...

Ignore fake news: Election day still May 12

By Ferdinand Patinio | Philippine News Agency The Commission on Elections (Comelec) on Monday, denied that the May 12 midterm elections have been moved to...