COVID-19 daily cases sa bansa, bumaba ng 3%

Bumaba ng 3% ang arawang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa bagong datos ng OCTA Research Group.

Ayon sa grupo, umabot sa 6,430 ang seven-day average ng bagong COVID-19 cases mula Hunyo 5 hanggang 11. Ito’y mas mababa sa 6,699 daily average mula Mayo 26 hanggang Hunyo 1.

Bumaba rin sa 1.02 ang reproduction number, o ang bilang ng nahahawaan ng isang taong positibo sa COVID-19, mula sa dating 1.09.

Nasa 27% naman ang ibinaba ng bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan, at Rizal mula sa dating 94% mula Marso 29 hanggang Abril 4.

Umabot naman sa 80% ang itinaas ng bagong kaso ng COVID-19 sa Dumaguete mula sa dating 57%. Tumaas naman sa 45% ang bagong kaso sa Tacloban mula 26%.

Kabilang din sa areas of concern o lugar na nakapagtala ng pagtaas ng mga bagong kaso ang Cagayan de Oro City, Iloilo City, Butuan, Tuguegarao, at Cotabato City.

Samantala, pinag-aaralan ng mga alkalde sa Metro Manila ang pagpapatupad ng normal na general community quarantine (GCQ) pagkatapos ng Hunyo 15, o ang pagtatapos ng kasalukuyang GCQ with restrictions.

Ayon naman sa Department of Health (DOH), maaaring bumalik ang dating sitwasyon kung hindi magiging maingat sa pagdedesisyon. – PTV News/AG-jlo#

Popular

KWF working to save 40 dying native languages in PH

By Brian Campued Language is not just a system of communication used by a particular community and conveyed by speech, writing, or gestures—it reflects the...

PBBM vows strengthened education, training for future mariners

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday reiterated his administration’s commitment to supporting the country’s maritime industry as he underscored key government...

PBBM reaffirms PH-SoKor Strategic Partnership in phone call with Lee

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. reaffirmed his commitment to deepening and expanding the Philippines’ strategic partnership with South Korea as he held...

PBBM orders probe on recent incidents of school-based violence

By Dean Aubrey Caratiquet On the heels of a spate of school-based violence reported in Luzon and Mindanao over the past week, President Ferdinand R....