DOH, nagtala ng 18-K bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong 4:00 n.h., Agosto 23, ng 18,332 na karagdagang kaso ng COVID-19. Mayroon namang naitalang 13,794 na gumaling at 151 na pumanaw.

Tinanggal ang 321 mula sa total case count. Sa mga ito, 316 ang gumaling. May 68 pang kaso na nai-tag na ‘gumaling’ ngunit nare-classify bilang pagkamatay pagkaraan ng final validation.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.0% (130,350) ang aktibong kaso, 91.3% (1,695,335) ang gumaling, at 1.72% (31,961) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Agosto 21, habang mayroong tatlong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng tatlong labs na ito ay humigit-kumulang 0.2% sa lahat ng samples na nai-test, at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site ng DOH: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (DOH) – jlo

Popular

PBBM orders free train rides for commuters as Labor Day tribute

By Dean Aubrey Caratiquet In recognition of the workers’ dedication and sacrifices towards contributing to the economic progress and growth of the nation, President Ferdinand...

PBBM rallies new cops: Let the people feel presence of law

By Brian Campued “Let our people feel your presence, feel the presence of the law enforcers, feel the presence of the law.” Such was the reminder...

‘Bente Bigas Mo’: P20/kg rice in Kadiwa stores starting May 2 — D.A.

By Brian Campued In pursuance of President Ferdinand R. Marcos Jr.’s goal of making affordable rice accessible to more Filipinos across the country, the Department...

PBBM extends condolences, solidarity over tragic Lapu-Lapu Day Incident in Vancouver, Canada

By Dean Aubrey Caratiquet Lapu-Lapu Day is a celebration held on the 27th of April in honor of the Visayan chieftain who defeated Spanish forces...