2.9-M manggagawa natulungan ng DOLE

May 2.9 milyong manggagawa sa pormal at impormal na sektor ang nabenepisyuhan ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ipinahayag ni Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III sa isang interbyu ng media matapos ang ginanap na seremonya ng pamamahagi ng tulong sa 1,500 benepisaryo ng TUPAD sa Candaba, Pampanga nitong Huwebes, Setyembre 2.

Ayon sa Kalihim, may kabuuang P12-bilyon ang naipamahagi ng Department bilang sahod ng mga manggagawang nawalan ng trabaho na nabigyan ng pamahalaan ng pansamantalang trabaho kapalit ng community service.

Sa kanyang talumpati, pinayuhan ni Bello ang mga benepisaryo na tiyakin na eksaktong halaga ang kanilang tatanggapin, kung hindi, huwag nila itong kunin.

“Kapag hindi 4,200 ang matatanggap ninyo, huwag niyo itong tanggapin. Kailangan kumpleto ang ibibigay sa inyo. Apat na libo at dalawang daan, ‘yan ang suweldo ninyo sa pagtrabaho ninyo ng sampung araw,” wika ni Bello.

Ang karaniwang rate para sa TUPAD payout sa Region 3 ay P420 kada araw o kabuuang P4,200 para sa sampung araw.

Anim na milyon at siyam na raang piso (P6,909,000) ang naipamahagi noong Setyembre 2 sa benepisaryo ng TUPAD sa Candaba.

Mula sa nasabing bilang ng benepisaryo, 1,043 ay mula sa lugar ng Kapampangan na pinangalanang Mandasig habang ang 457 ay mula sa lugar ng mga Tagalog na Bahay-Pari.

Ang okasyon ay pinamunuan ng pamahalaang panlalawigan at municipal ng Pampanga at Candaba, ayon sa pagkakabanggit. Dumalo rin sina Governor Dennis D. Pineda, Mayor Rene Maglanque, Vice Mayor Michael V. Sagum, bukod sa iba pa. (DOLE) – bny

Popular

DFA: PBBM to champion PH interests at 47th ASEAN Summit in Kuala Lumpur

By Dean Aubrey Caratiquet In a pre-departure briefing on Friday, Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Angelica Escalona announced the attendance of President Ferdinand R....

Teodoro warned military takeover would bring consequences similar to Myanmar

By Patrick de Jesus | PTV News Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. warned that a military takeover would bring more consequences for the Philippines. This comes...

PBBM vows continued 4PH expansion

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday reiterated his administration’s commitment to provide every Filipino family with a safe, decent, and affordable...

Palace questions credibility of citizen complaint submitted to ICI

By Dean Aubrey Caratiquet On the heels of the Independent Commission for Infrastructure’s (ICI) receipt of a letter of sentiment from a private citizen on...