P1.1-B tulong ng DOLE para sa manggagawa sa Cagayan

Aabot sa mahigit P1-bilyon ang naipamahaging tulong ng pamahalaan para sa mga manggagawang naapektuhan ng pandemya sa lalawigan ng Cagayan sa pagtatapos ng 2021, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Inaasahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maipamamahagi ng DOLE ang kabuuang P1.1 bilyon tulong-pinansiyal mula sa mga pangunahing programa na cash-for-work, ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) para sa mga manggagawa ng lalawigan bago matapos ang taon.

Tinatayang aabot sa humigit-kumulang 198,000 manggagawa ang nakinabang, pahayag ni Bello, sa harap ng mga mamamayan kabilang ang mga pambansang opisyal at lokal na pamahalaan.

Nagpunta ang kalihim sa Isabela, Cagayan para sa implementasyon ng TUPAD at upang pangunahan din ang pagpupulong ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) na binubuo ng Cabinet Officers for Regional Development and Security (CORDS).

Iniulat ni Bello na umabot sa 88,065 manggagawa ang natulungan ng DOLE at naipamahagi sa kanila ang P480 milyon tulong-pinansiyal mula nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon.

“Tinataya namin na aabot ang bilang ng mahigit 198,000 benepisaryo para sa kabuuang halaga na higit P1.1 bilyong pondo ng TUPAD bago matapos ang taon,” wika ni Bello.

May kabuuang P50 milyon din ang inilaan para sa implementasyon ng programang pangkabuhayan ng DOLE para sa 100 na tinukoy na barangay sa Cagayan Valley Region, dagdag ni Bello

“Sinimulan na ng aming mga kawani sa regional at mga field office ang pagbibigay ng orientation sa ating mga katuwang na mga local government unit (LGU). Target namin na simulan ang pamamahagi ng tulong sa huling bahagi ng kasalukuyang taon,” aniya.

Hinimok ni Bello ang mga pamahalaang lokal na tipunin ang lahat ng makukuhang tulong mula sa iba’t ibang ahensiya upang mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran sa mga mahihirap na barangay sa bansa.

“Sigurado ako na sa suporta mula sa LGU, mas marami tayong makakamit, mas maraming tao ang matutulungan at ating magagabayan para sa isang mahusay at mas maliwanag na kinabukasan,” pahayag ni Bello.

Matapos sa Isabela, nagtungo si Bello sa Tuguegarao upang ipamahagi ang tulong-pinansiyal at pangkabuhayan ng pamahalaan para sa mga manggagawang naapektuhan ng pandemya na patuloy pa ring nagpapahirap sa ating ekonomiya. (DOLE)

Popular

Torre says he has no ill feelings towards PBBM, DILG chief following relief 

By Brian Campued “Look at me straight in the eye, do I look like somebody who is bitter?” This was the response of former Philippine National...

PBBM to visit Cambodia, attend UN General Assembly

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. will embark on a state visit to Cambodia and later attend the...

PBBM eyes different gov’t post for Torre, Palace confirms

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. is offering former Philippine National Police (PNP) chief PGen. Nicolas Torre III a different position in the...

‘Organic, real people’: Gomez belies claims that PCO pays for reactors, vloggers

By Brian Campued Presidential Communications Office (PCO) acting Secretary Dave Gomez on Tuesday stressed that the PCO does not pay reactors and vloggers to support...